chantalerikareyes wrote:Maraming salamat po Atty. Zag sa sagot saking mga tanong,.
May katanungan pa rin po ako, gusto ko lang din po malaman ilang porsyento po ba sa kinikita ng aking asawa ang dapat napupunta sa anak nya sa pagka binata? Nagbibigay naman po kami buwan buwan sa anak nya ngunit ang Ina ng bata ay nagrereklamo sa halaga ng aming ibinibigay, hindi daw sapat yun, hindi naman po namin kayang mgbigay ng malaking halaga o kalahati ng kinikita ng asawa ko n mapunta sa Kanila dahil marami rin naman po kaming gastusin sa bahay at ako rin naman po ay may hanap buhay para makatulong sa aking asawa kaya hindi lahat ay iniaasa ko sa aking asawa, sapat ba na maging basehan ng Ina ng anak sa pagka binata ng aking asawa Na may kinikita rin ako para malaking porsyento ang ibigay ng aking asawa sa kanilang anak,.
Sana po at matulungan nyo po ako ulit na maliwanagan ang aking mga katanungan..
Maraming Salamat po.
Wala po sa batas nating nakataktang porsyento ng kinkita ng isang magulang na dapat mapunta sa anak.
Ang mga kasong ganito ay sinusuri at pinagaaralan ng korte depende sa sitwasyon at sinusubukang balansehin.
Ang mga tanong na dapat isama sa pagdedesisyon ay:
- Magkano ba ang kinikita ng magulang?
- Magkano ba talaga ang gastusin ng anak?
- Ilan pa ba ang dapat suportahan ng magulang maliban sa humihingi ng sustento? May matitira pa ba sa kanila?
- May iba pa bang dapat tumulong upang magsustento sa bata? Kung mayroon, magkano ang kaya niyang itabi para sa bata?
Gamitin mo ang mga tanong na ito para makapagdesisyon kung magkano ba talaga ang kayang isustento ng asawa mo sa anak nya.
Kung hindi pa sila kuntento sa bigay ninyo, malaya naman silang pumunta sa korte upang magreklamo. Subalit kung gagawin nila iyon, babalik pa rin tayo sa mga tanong na nilatag ko sa taas. Yan din ang itatanong ng korte sa asawa mo, kaya't importanteng sagutin at balansehin yan ng maayos.
Hindi sapat na dahilan na dapat dagdagan ang bigay ng asawa mo sa anak nya dahil may trabaho ka rin. Ito ay dahil may responsibilidad din ang asawa mo sa 2 ninyong anak. Ang asawa mo, bilang magulang, ay may responsibilidad sa lahat ng anak niya, at lalabag din sya sa batas kung malalagay sa panganib ang inyong 2 anak dahil lahat halos ng pera nya ay nakalaan sa isang anak nya lamang.
Bilang panghuling dapat pagisipan: bilang magulang, sa tingin mo ba sapat ba talaga ang nilalaan ng asawa mo para sa anak nya? Baka naman masyado ngang mababa ang halaga.
Kung sa tingin ninyo na sapat na ito, magpakatatag kayo sa halaga ng suportang alok ninyo, at sabihing iyan lang ang kaya ninyong ibigay. Huwag kayo magpapadala sa mga rasong binigay niya na natukoy ko nang hindi ayon sa batas.
Tandaan, ang hangad natin dito ay maging patas sa lahat ng partido. Subukan ninyong pakinggan at tugunan ang kanilang mga kahilingan, subalit hindi ito dapat tumawid sa punto na ang mga anak naman niyo ang kawawa. Lahat sila ay dapat mapangalagaan sa abot ng inyong makakaya.
Pagusapan po niyong maigi ng asawa ninyo bago gumawa ng aksyon.