Good day po,
Hingi lng po sna ng advice tungkol sa problema ko about sa suporta ng tatay ng anak ko, 5yro na po yung anak ko, yung tatay niya po nagsusuporta pero walang kusa, kelangan ko pang mangulit at makaranas ng sama ng loob kada hihingan ko siya ng suporta, tuwing 15 at 30 ang usapan namin na magshashare siya sakin, pero minsan pumapatlang, minsan 3 months pang hindi nagbibigay, nahihirapan na po ako sa gantong setup na parang nagmamakaawa kada nahingi ng suporta, responsibilidad naman po niya talaga ang magbigay. Ano po kaya maari kong gawin,gusto ko po sana kahit hindi ko siya kulitin na parang nagmamakaawa magbigay, eh kusa na siyang magpapadala para sa pangangailangan ng anak niya, 1,500 na nga lanp twing 15-30 kasi ka share naman niya ako, e pahirapan pa po. Kinasuhan siya ng mga magulang ko ng ra9262 nung 1month preggy pa ako dahil hindi niya ako pinanagutan at dahil naawa ang mga magulang ko sakin dati dahil lagi akong tulala at depress dahil sa masasakit na mga sinabi nya pero na dismisal yung kaso kasi nag agree yung family nung guy na susuporta naman daw sila, at ang sabi naman sa PAO na kapag hindi nagsuporta pwede ulit bukas yung ra9262, kaso 5yrs ago na yung case.
maraming salamat po, sana ay matulungan ninyo po ako sa aking concern,
more powers po sa forum na ito..