patulong naman po.. dahil hindi nakakabayad yung client namin, nagkaroon ng series ng tanggalan sa company namin.. from manpower to staff.. yung first batch sa staff, kinausap sila ng nov. 20 hanggang nov. 23 na lang daw sila so akala namin tapos na.. pagdating ng nov. 22 nagtanggalan ulit and unfortunately kasama ako dun.. hanggang nov. 23 na nga lang din daw kami.. ganun kabilis kinabukasan last day ko na kaagad.. sabi ng HR namin, mas priority daw nila mga engineers.. tapos may pinapirmahan sa aming memo nakalagay dun na almost complete na daw yung project namin kahit hindi naman.. pinapirmahan sa amin yun para daw ma-process na yung 13th month namin.. the thing is, kaka-renew ko lang ng contract ko last October and September 2014 pa ang due noon.. kahit na project based kami, sana hanggang sa matapos yung project nandun ako diba? April this year ako nagstart magwork dun, wala ba akong makukuhang separation pay since tinerminate dahil kailangan nila magtipid at hindi dahil may pagkukulang sa part namin.. about sa tax, pwede ko ba makuha yung mga dineduct nila sa akin since hindi naman ako naka-one year and kung hindi man, ano yung assurance ko na ire-remit nila yung tax ko sa BIR? ang gara talaga, napakadami nilang in-issue sa amin na gamit - safety vest, safety shoes at uniform hindi naman pala kami pagtatagalin.. so lahat yun ikakaltas pa.. please help me guys, so depressing talaga..