Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password

You are not connected. Please login or register

LEGAL SEPARATION (Separation of Property)

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1LEGAL SEPARATION (Separation of Property) Empty LEGAL SEPARATION (Separation of Property) Fri Jul 27, 2012 10:33 am

forever_ink8

Arresto Menor

Good day atty.

I would like to ask and acquire some idea regarding this topic. 5 years na po kami hiwalay pero married po kami pareho, gusto ko po sana annulment pero ang mahal ng process it range from 100K-300K. May mga naipundar na po ako konting material assets like computers (computer shop), motorcycle and some things na ako po ang nagpundar na wala man lang po siyang contribution, masasabi po ba itong conjugal property pa din po. Ngayon po gusto ko po bumili ng house and lot, eh hindi ko po magawa kasi po baka po habulin po niya ito at makihati, magkano po kaya aabutin in range yung pag file ng separation of property? Malaman ko lang po yung range cost ng pagfile para maumpisahan ko na po yung mga plans ko at para makapag move on na din po ako. salamat po.

attyjoyce

Reclusion Perpetua

Hi forever_ink8.

Kung hindi na posible ang magka-ayos pa kayo ng asawa mo, pwede ka nang magfile ng petition for judicial separation of property.

Ang presyo kasi ng pag-file ng kaso ay nakadepende sa service fee ng abugadong hahawak nito. Kaya mas mabuting kumausap ka ng abugado tungkol sa sitwasyon mo para ma-assess nila kung anu-ano pa ang kailangan para masuportahan ang petition mo; para na rin masabi nya sayo ang range ng fees nila.

For more free legal information about Family Laws, please visit www.domingo-law.com

http://www.domingo-law.com

forever_ink8

Arresto Menor

Hi and good day atty. Joyce, thanks for the idea, ang process po kaya nito eh madali lang, I mean does this take a year or two? Wala na po kasi paraan para magkaayos kami ng wife ko kasi po at first place siya po ang nang iwan sa amin with my two kids last 2007 at sumama sa ibang guy. Plan ko nga sana magfile ng case ng child abandonment or child abuse sa kanya and even adultery but it create war. Plan ko na lang ayusin muna kahit separation of property kasi po wala pa po ako ganun kalaki account for annulment, kinausap ko po siya regarding annulment eh payag po daw siya basta siya po daw ang magfile, eh hindi po ako pumayag kasi po baka baliktarin niya at sabihin ako pa ang psychological incapacitated. Ang last na usapan po namin eh pumayag po siya kahit sa separation of property. Thanks po and god bless.

attyjoyce

Reclusion Perpetua

forever_ink8 wrote:Hi and good day atty. Joyce, thanks for the idea, ang process po kaya nito eh madali lang, I mean does this take a year or two? Wala na po kasi paraan para magkaayos kami ng wife ko kasi po at first place siya po ang nang iwan sa amin with my two kids last 2007 at sumama sa ibang guy. Plan ko nga sana magfile ng case ng child abandonment or child abuse sa kanya and even adultery but it create war. Plan ko na lang ayusin muna kahit separation of property kasi po wala pa po ako ganun kalaki account for annulment, kinausap ko po siya regarding annulment eh payag po daw siya basta siya po daw ang magfile, eh hindi po ako pumayag kasi po baka baliktarin niya at sabihin ako pa ang psychological incapacitated. Ang last na usapan po namin eh pumayag po siya kahit sa separation of property. Thanks po and god bless.

Hindi po kasi talaga masasagot kung gaano katagal ang takbo ng mga kaso dahil nakadepende ito sa maraming factors. Minsan po, kung maraming kasong hawak ang isang court, matagal bago magkaroon ng schedule ng hearing.

http://www.domingo-law.com

Josie48

Arresto Menor

Hi Atty.
Totoo po b sa legal separation i determine kung sino ang guilty or not. At kung ang lalaki po b may babae kya lang tinatago nya itong mabuti para wlang trace na may babae sya pero whole day wla sya then uwi ang lalaki sa pod nya specially gawain nya yon pag sa lupa sya dahil seaman po sya. Sa legal separation po b tuloy ang economic support ng lalaki at totoo po na i award sa wife at mga anak nito pag husband proven guilty but in what way to prove na guilty ang isang tao.
Josie po ang name ko.

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

Josie48 wrote:Hi Atty.
Totoo po b sa legal separation i determine kung sino ang guilty or not. At kung ang lalaki po b may babae kya lang tinatago nya itong mabuti para wlang trace na may babae sya pero whole day wla sya then uwi ang lalaki sa pod nya specially gawain nya yon pag sa lupa sya dahil seaman po sya. Sa legal separation po b tuloy ang economic support ng lalaki at totoo po na i award sa wife at mga anak nito pag husband proven guilty but in what way to prove na guilty ang isang tao.
Josie po ang name ko.

1.You have to provide concrete basis for your claim that he have another woman. Although malakas ang kutob mo, in legality evidence is everything.
2.Yes.
3.Yes.

eugenebernabe

Arresto Menor

Hi po, gud day. Ask ko lang po kng ano po ba tlga ang magandang gawin sa ganitong situation.

My Grandparents bought several land properties, some properties are transferred to the siblings, some are not. Ngayon po, wala na yung mga grandparents ko about 6-10yrs ago, then last year, namatay po papa ko. Dumating ngayon yung mga tita ko (siblings of my father) galing sa States, right after ng libing ng papa ko last year, pinaalis kami sa bahay na tinitirhan namin kasi hindi daw amin yun. matagal na yung issue na ito, so pumayag kaming umalis para walang gulo. Today, one of my titas claimed na kanya na daw yung entire property, pinapadalhan kami ng mga kung ano2ng sulat galing sa lawyer nila.

Ang naging kasunduan is hatiin lahat ng properties equally to seven (7 sila magkakapatid-ng papa ko). pero kinukuha nila ang lahat, wala na daw kami share dahil di daw nabayaran ng father ko mga taxes nung lupa kasi siya lang ang naiwan dito sa pinas.

Ngayon po, nalaman ko na pinarentahan na yung buong second floor. Legal ba ito? na tinransfer nila sa mga pangalan lang nila lahat ng nagrerenta sa baba pati ngayon, mukhang wala silang balak ishare ung renta sa taas.

Ano po pinakamagandang gawin?

Nakailang lipat na kami ng lawyer (na kusang tumutulong sa amin pero mukhang kinalimutan nrin kami) pati yung matalik na kabigan ng papa ko na lawyer din, parang binenta narin kami kasi sya mismo nagsabi na ok umalis nlng kami sa property na yun at pirmahan lng namin yung agreement.

Hirap na po mama ko, pati kami ng ate ko. hindi nman kami mayaman para makapagbayad ng lawyer tlga na tututukan kami.

Tulong lng po pls. salamat.

forever_ink8

Arresto Menor

eugenebernabe wrote:Hi po, gud day. Ask ko lang po kng ano po ba tlga ang magandang gawin sa ganitong situation.

Bro ganyan din ang nangyari sa gf ko dati, yung lolo nya namatay at xempre yung lolo nya may anak 4 ang anak at 1 dun ang tatay ng gf ko, pinaghatian nilang 4 yung mga ari-arian ng tatay nila (lolo ng gf ko) equal share, then one time namatay ang tatay ng gf ko, at ang mga malditang kapatid ng tatay ng gf ko eh gusto i-claim yung ari-arian na napunta sa tatay ng gf ko, pero hindi nila nakuha kasi napaghatian na nga nila yung share on equal rights at walang bentahan na nangyari, so nun namatay ang tatay ng gf ko, automatically napunta ang mga ari-arian ng tatay ng gf ko sa gf ko na anak niya... at ngayon eh naghahabol ang mga tiyahin niya sa kanya at gusto nga i-claim na kanila yung ari-arian ng tatay niya... Cguro bro mas maganda pa rin kung kunsulta ka sa magaling na abugado regarding property rights, ako din nga naghahanap din pra naman sa x-wife ko...

forever_ink8

Arresto Menor

Kaya I need a Family Lawyer who knows about Separation of Property between me and my x-wife... I want to buy properties kasi like house or even car, ayoko kasi maghabol siya sa mga napag paguran ko na ako lang mismo ang gumawa... Family lawyer po na makakatulong sa akin San Pedro Laguna to Calamba Laguna Resident na Lawyer po... Salamat....

Sponsored content

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum