Gusto ko syang hiwalayan dahil nawala ang tiwala ko sa kanya pero para sa mga anak namin pumayag ako na magtuloy ang relationship namin kahit masakit pa rin sa akin ang mga nangyari.
Nangako sya na gagawin nya ang lahat para bumalik ang tiwala ko sa kanya at mabuo muli ang nasira sa pamilya namin.
Kaso nung malaman ko na may maaring may anak sya sa iba, natakot ako sa pwedeng mangyari. Meron kasi akong mga naipundar na properties. Ayoko sana may mapakinabangan sya sa mga naipundar ko..kasi ako lang naman talaga ang nagpundar ng lahat ng mga iyon.
Gusto ko i-secure ang future ng mga anak ko at natatakot ako na baka lustayin nya lang sa mga babae ang pinagpaguran ko kung sakaling mamamatay ako or matuloy na magkahiwalay kami.
Alam ko na conjugal ang lahat ng ari-arian na naipundar within our marriage but honestly ako lahat ang nagpundar noon at ako nagpakahirap sa pagtatrabaho para maipundar ko yung 2 bahay namin sa laguna at isang condo sa Manila.
Please advice po kung ok ba na gumawa kami ng kasulatan na pipirmahan ng asawa ko na wala syang mapapakinabangan sa lahat ng naipundar ko forever.
Tulungan nyo po sana ako. Ang gusto ko lang makinabang sa pinagpaguran ko ay yung 2 ko lang na anak. Ano po ang dapat kung gawin para ma secure ko ang future ng mga anak ko?
Umaasa po ako ng inyong advice, maraming salamat.