Mga demand letters lang po ang natanggap ko mula sa collection agencies, wala namang kahit anong galling sa korte gaya ng subpoena o summons. Hindi po ba nakakapagtaka na pupunta ang pulis at barangay para sabihin na bibigyan ako ng warrant of arrest?
Mga 2 years ago kasi po may ganitong insidente na, may nagpunta daw sa barangay, nagwarning na ikukulong ako. Natakot po ako noon, gumawa ng paraan agad at nagbayad sa bangko. Ngayon, pumunta talaga sa bahay, hindi naman nakuha ang pangalan ng pulis o saan branch sya.
Ang tanong ko po - Are these warrants of arrest at all legal and just - di po ba korte lamang ang maaring magiissue ng warrant kung ikaw ay may ginawang krimen o hindi ka nagpupunta sa korte kung may summons ka?
Salamat po, sana matulungan nyo ako.