Good day!
Meron kasi akong unpaid credit card (HSBC). Hindi ko na siya gustong bayaran kasi nakakainis ung patong ng interest. Super laki. And kasi im under a financial crisis talaga ngayon. Kaya talagang lahat ng gastos ko, super tipid ako.
Nakiusap na ako sa company and I already explained my side pero wala silang care about that. They just want to collect the full sum in which I already explained na hindi ko kayang bayaran un dahil sa situation ko. Pero wala pa din sa kanila.
I asked for a debt restructuring pero wala talaga silang ginawa. Eh kahit naman po talaga pigain nila ako, wala talaga sila makukuha sakin.
Then ngayon po, I received a text. Eto po ung text.
"This is from Pasig MTC, a lawsuit (Civil Case) is filed against you by Atty. Cendana Court Order (Warrant of Distraint) will be served. Kindly call the complainant @ (02) #######"
Makukulong po ba ako or aarestuhin? Ang amount po is nasa P52,000.
Totoo po kaya ung text na un? Hindi ko po kasi nirereplayan eh. And ano po ba ung sinasabi niyang Warrant of Distraint?
Sana po masagot niyo ako agad. Thank you po.