Seeking immediate advice po, 4 years ago po kasi ng manganak ako kumadrona lang po ang nagpa anak sakin, nagkamali po siya ng rehistro ng gender nairehistro po nia ng female instead of male. Ang assurance niya po sa aken noon maiaayos daw po nia Ito dahil may kakilala po siya. Nag bayad po kme ng 1500 php po Sa kanya dahil un daw po ang halagang hiningi Sa kanya. Bale ang ginawa po nia late registration po. Nung time po kasi non dalagang Ina po ako. So naka rehistro po Ito gamit po ang apelyido ko Sa pagka dalaga. Ngaun po after 3 years po ngasawa po ako. Lumapit po ako ulit Sa kanya at nag tanong Kung pwede ko bang ipabago ung pangalan ng anak ok kasama po ng apelyido ng napa ngasawa at sinabe nia pong ok LNG Gagawin daw po nia ng paraan basta mgbayad po kme ng 1300.. At mabinyagan ulit ung bata. So ginawa po namen ung intructions nia dahil akala ko po tama po ung procedure nia. Nung kukuha na po kme ng NSO certificate dahil magaaral napo ung bata lumalabas po na ung unang pangalan parin po.. So dahil po don ng decide napo kme ng lumapit mismo Sa NSO para mo iaaus Ayon Sa proper procedure, so sabi po legitimation po ang mangyayari. Nung ok napo kukuha napo ulit kme ng NSO certificate biglang lumabas po ung female na error po nung kumadrona... Atty. naglilito po ako Kung anung dapat kong Gawin at nagalala po dahil Baka lalo po kameng mgkaproblema. Atty. sana po magbigayan ninyo ako ng advice pakiramdan ko po kasi naloko po ako ng kumadrona na nagpa anak sakin at hinuthutan lang po ako ng pera sa pangakong maiaayos nia ang lahat. Iniiwasan ko din po kcng magkaproblema yung anak pag laki nia dahil pagkakamali pong iyon sna matulungan nio po kme
Maraming salamat po at pasensya na po napakacomplicated ng problema ko..
Maraming salamat po at pasensya na po napakacomplicated ng problema ko..