Hi! good morning po.. My sister is working po sa isang well known newspaper, ung kanilang mid year bonus ay chinop chop (.5) ang bigay 3 times na dapat isang bagsakan lang po, may natira pang isang buwan na sweldo na ayaw pong i-release, ang sabi po ng President ng Company Wala raw pong budget considering that nasa TOP 50 CORPORATION ang may-ari nito. At may usap-usapan din sa company na gnun ,din po ang gagawin sa Christmas bonus, marami na pong mga empleyado na naghihirap, nagkapatung-patong na po ang mga utang, makahanap lang na pang-tuition fee para sa mga anak nila na dapat po ay binigay po ng buo nung May pa. Nakasaad po sa kasunduan ng kanilang CBA na kasama po ang ganitong mga benefits dahil maliit lang po ang buwanang sweldo ng mga empleyado at dito po nakalagak ang compensation nila pero di po SILA marunong tumupad sa usapan. Nagkulang din po ang union po dito dahil hindi po nila agad inaksyunan at pinaglaban ang karapatan ng mga empleyado kaya tumagal po ng ganito. Ano na po ang dapat gawin para solusyunan na po ang ganitong sitwasyon? Maraming salamat po.