I would like to seek legal advise for my mother.
Ganito po yun Atty., way back 2004 yung Property Title po ng mother ko ay pinagplanuhan na kunin ng pamangkin niya at mga kasabwat niyo sa Engineer na nagsubdivide ng lupa. Ng matapos po ang pagsusubdivide nito, kinuha po ang titolo ng pamangkin niya. Ang lahat po ng hakbang na ginawa ng pamangkin ng mother ko at ang mga kasabwat nito ay hindi po nalaman ng mother ko, hanggang makuha na ang titolo. Ito po ba ay malinaw po ba ito na isang Crime na pagnanakaw?
In addition to this po Atty. nagbigay po ng salaysay ang pamangkin ng mother ko thru Facebook Private Message. Naisalaysay po niya ito ng buo dahil pati po pangalan ng mga accomplice niya to the action she did ay nasabi niya po. Hanggang ngayon po kasi nagmemessage ang pamangkin ng mother ko at sa patuloy na pag memessage niya, lalo niya lang po naibibigay ang iba pang confirmation nito.
Noon 2006 po kasi nagsampa siya ng kaso sa mother ko dahil sa ininvest niya na 400,000.00 sa Multitel. Ang kaso po na ito ay na Withdrawn/Dismissed na po since January 2007. They also have signed agreement about sa pagbalik ng investment niya.
Ngunit hindi po siya nasunod, dahil po nitong 28Oct2013 nagmessage po siya sa mother ko, nagdedemand po siya ng 5% interest at nagbanta na ang deadline po ay until December this year po. Is this an act of Harassment na po sa mother ko? Can we file legal case against her with this?
Nasa London po kasi siya ngayon (TNT) po siya doon. Sinabihan na po siya ng mother ko na umuwi ng Pilipinas para maayos ng husto ang issue niya sa pera niya, na alam naman po ng pamangkin niya na matagal ng nasagot sa kasong isinampa niya Stafa.
Ano po ba ang dapat na gawin ng mother ko. Gusto po kasi ng mother ko na managot na po ang pamangkin niya sa Pagnakaw ng Property Title niya in 2004 po, this was prior to the case that was filed in 2007 by her pamangkin.
Please Atty I need your legal advise.
Thank you po.