Nag umpisa ang transaction nung dumating ako end of October 2011 galing Saudi para sa BAKASYON nang sabihan ako ni shiela nung nasa saudi pa lang ako na inaalok sa kanya (Myra) si EDEN katiwala at manugang ng may ari ng bahay na inuupahan namin nuon sa Fransville Subdivision (Qatar drive Blk 15 Lot 2) na may binebentang bahay sa Blk 2 Lot 14 NHA TATIC Homes, Zone 11 Old Bulihan Silang cavite.
Oct 27, 2011 nang magpunta kami umaga sa bahay ni Myra B. Cervanates long kasama si EDEN, Shiela at anak ko bunso (jeixus) kung saan pinapasok kami ng gate at pinaupo sa sopa kung saan nanduon din ang asawa nyang amerikano na nakatambay sa labas (Porch-terrace) ng bahay nila at may alagang aso at mga tuta sa loob naman ay anak nya babae.
Ipinakilala kami ni ate EDEN kay Myra B. Cervantes Long at duon ay inaalok nila ang bahay, kung saan tinanong ko kung anung reason at binebenta nila ang bahay at anu ang kabuuang sukat nito , sabi sa akin ni eden na binebenta nya itong bahay dahil problema sa kanyang kapatid na lalaki dahil ang bahay na ito ay komunales pag aari ng kanyang magulang at balak nila lumipat ng bahay para sa ikatatamik at problema sa kapatid (emmotional sya at umiiyak habang nakikipag usap sa akin) since sya daw mismo nag improved ng bahay na sa ngayon ay may stainless tank sa itaas ng banyo sa labas at 2 banyo na nakatiles at terrace ay gusto nya na sya makabenta para ibawas pati utang ng kanyang kapatid. sinabi nya na 120 SQM ang kabuuan ng bahay at tatlo CR at dalawa room di kami nagtagal at umalis kami at sinabi ko pag iisipan ko ang alok na one million pesos. at nasabi nya na may buyer sya bukod sa akin.
October 28, 2011 , 2nd time kasama ko uli kami ng misis ko at si eden, nagpunta kami kay Myra para iclosed deal ang transaction at tulad ng dati nanduon uli asawa ni Myra na kano at anak nito na babae, nilibot ko ang kabahayan at check ko kung saan napansin ko ang internal partition ay kahoy at sa kusina ay may bakas ng tagas ng tubig ulan ang kanilang internal alulod. sabi ko sa kanya madami pa irepair sa loob ng bahay at need irepaint at saka napagusapan namin na di tatanggalin ang stainless tankwith motor na nanduon sa labas ng kanilang bahay malapit sa gate na nasa itaas ng kanilang Comfort Room. pinasok ko pati dalawa kuarto at check ko wooden cabinet at pati bawat CR ng dalawang kuarto. Di kasama sa transaction ang gamit nila sa usapan sabi ko kasi kuha ako ng bago gamit pero iiwan na yung Wine Bar at yung pinagpapatungan ng mga kutson. Nagsarado kami sa usapan sa halagang 850,000.00 pesos. sa condition na since maglilipat pa sila ng bahay ay sa January 10, 2012 kami lilipat since duon matatapos ang petsa ng upa namin sa franville , mag down ako ng 500,000.00 pesos at mula january maghulog me 50,000.00 pesos monthly until april then sa May2012 yung balance na 150,000.00 ay ibibigay pagkarating ko galing bakasyon at sa araw na yun ay makuha ko original na title na naka tranfer na pangalan namin mag asawa. Pumayag sya at humingi sa an ng pera para ipagpagawa ng deed of sale.
Nov.01, 2011 nagpunta ako ng SM dasmrinas at nagwithdraw ng 20,000.00 peso at inabot ito kay myra na pinapirma ko sa notebook ko sa katunayang natanggap nya ito kasi nga wala sya resibo.Pumayag si Myra sa halagang 850,000.00 pesos at iaabot niya ang Deeds of sale na nakasaad pati terms of payment. di nya tinuloy ang transaction sa isang buyer dahil ang gusto daw ay dapat umalis agad sila once na bayaran sila, sinabihan pa kami na need nya ng sedula. umalis na kami at nanghapon ay nagpunta kami sa libingan ng nanay ni shiela sa GMA, Cavite.
Nov. 02,2011. Kumuha kami dalawa sedula sa Barangay bulihan.
Nov. 03, 2011 Nagpunta kami ng misis ko kasama anak ko sa san pablo para mag withdraw sa aking PNB dollar account na pina convert ko na sa PESO at pinalagay sa supot, ang halaga na nakalagay sa supot ay 500,000.00 peso.Umalis kami ng san pablo city ng hapon at nakarating sa Old Bulihan Silang Fransville Subdivision (Qatar drive Blk 15 Lot 2) mga 4:35 pm na ng hapon. at duon pinatawag ko sa misis ko si EDEN at si shiela naman ay tinext si MYRA para inform kay MYRA na pupunta kami sa bahay nila (NHA TATIC HOMES) para iabot ang pera. Si myra na lang mismo ang pumunta sa bahay namin kaso umalis agad kasi di nya nadala yung papeles na iaabot sa amin dahil mula sapol ay di namin nakikita or nahawakan ang copy ng lote na binebenta nya.
Umuulan ng time na yun at nang dumating sya dala nya ang kopya ng titulo ng house and lot na inalok sa amin at namangha ako kasi hindi 120sqm ang sukat ng lote mas maliit dito sa nakasulat sa titulng inabot sa akin at tinanong ko sya dito pero di nya ako nasagot at dala rin ang DEEDS OF SALES na blanco pa wala pang mga adress ot title lot. dahil may tiwala naman ako sa kanya iniaabot ko pa rin ang pera na 500,000.00 PESOS sa kanya at binilang nya sa harap namin uli ang pera (EDEN, SHIELA, JOEY, KAECHIN cajurao (pamangkin ni shiela)) pinirmahan namin ng misis ko sa tagiliran ang lahat ng DEEDS of SALES at inabot naman nya ang ACKNOWLEDGEMENT RECEIPT (( This is to acknowledge receipt of the amount of FIVE HUNDRED THOUSAND PESOS (php500,000) in cash from SPOUSES JOEY H. VILLANUEVA and SHIELA MARIE N. VILLANUEVA, buyer of real property with TCT NO.; T-959287, representing 50% initial payement of the price of the subject property in the amount of ONe Million Pesos (Php 1,000,000). at dito sinabihan ko sya bakit 1M nakasulat usapan natin ay 850,000.00 pesos lang. sabi nya sa papel lang yan para ipakita nya sa kapad nya na yang ang bentahan namin para malaki daw makuha nya parte at maibawas sa g ng kapatid nya na upto now at di napirma sa binebentang bahay kaya di agad nagawa itong DEEDS of sale inabot ko na rin sa kanya kopya namin mag asawa na SEDULA.
Sabi ni Myra kailan ba talaga bakasyon ko para IRUSH at maihabol itong DEEDS OF SALES, sabi ko November 08, 2011 ang alis ko once na dumating kay shiela nalang iabot……..>>>>>>>>
sa pagkakalaam ko nov 19, 2011 pumunta tita edith ni shiela at inimform na may nakita sila na bagong nakatira sa bahay ni MYRA. Dec 07, 2011 nakipag usap si Myra kay shiela na babayaran nya sa araw na ito yung 500,000.00 nang mag usap sila sa baranggay.may kasulatan na ginawa si Myra nung nasa baranggay sya. kaya nung di nagpakita or tumawag si MYRA hanggang abutin na nang gabi sa hihintay ng tawag, kinabusan nagpunta ng Police station sa Old Bulihan at nireklamo ni shiela with my consent through conversation namin sa telepono si MYRA B. CERVANTES LONG.
Nitong January 04, 2017 Nagpunta kami mag asawa since bakasyon ko (galing pa ako Saudi) para malaman status pero bigo dahil sabi nung naka assign duon pending ang aming kaso sa kanila??? kaya sana may makatulong sa amin ..mag 5 year na sa november 2017 ito..