Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

hinarass ng banyaga sa sariling bayan

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1hinarass ng banyaga sa sariling bayan Empty hinarass ng banyaga sa sariling bayan Tue Oct 29, 2013 7:17 pm

lvl307


Arresto Menor

hi to all!  I am so happy to come across this website.  I wish to seek your legal opinion regarding an incident that happened to my wife.  I was not with her when it happened but she related to me what transpired.

Mag-isa po sya, driving and palabas ng exit ng pay parking lot of a mall here in Metro Manila.  On her way out of the parking lot as she was turning left, a vehicle on her right tried to make a quick left turn and cut her off.  This startled her but she stopped in time to let the vehicle turn left.  As the driver (banyaga po) passed her, ung driver ay binaba ang bintana nya at sinigawan sya at sabi, what the fuck are you doing?  Sumigaw din po ang asawa ko at tinanong kung ano ang ikinagagalit nya eh pinalampas nga sya.  Mabilis lang po iyon at dumerecho na si mrs. sa pay parking.  

Ang di po alam ng misis ko ay mabilis na pumarada sa tabi ng kalye ung banyaga at tumakbo para sya habulin habang nagbabayad.  Kita po namin ito nung pinanood namin ang cctv ng mall kasi humingi po kami ng pahintulot na tingnan ang video feed nila.  

Sa kwento po ng asawa ko at nang security guard na nakakita ng pangyayari ay hinabol ng  banyagang lalaki na may 6'0 ang taas ang kotse ng misis ko at habang bukas ang bintana ni misis at nagbabayad ay lumapit sa sasakyan at sinigawan ulit ang asawa ko habang nagmumura sa wikang ingles.  Sobra pong nabigla at nagulat ang asawa ko sa biglang pagsugod nung foreigner. Ang ginawa po ng asawa ko ay sinabihan sya na tumigil na sya sa pangha harass nya.  Nung ayaw pa po ng banyaga na tumigil sa pagsigaw ay itinaas ni misis ang bintana at nagbusina ng malakas para maka agaw ng pansin.  Akala po nya ay susuntukin sya nung banyaga at ang lapit ng mukha nya sa bintana ng kotse ni misis.  Saka po lumapit ang guardya at nung nakita po nung banyaga na papalapit ang gwardya ay saka ito lumayo sa sasakyan ni misis.  

Noong papauwi po si misis ay inatake po sya ng nerbyos at di makahinga.  Minabuti nya dahil noong panahon na yon ay wala pa ako, ay tumawag sya ng ambulansya at nag ecg ang doctor sa kanya. sinabi po ng doctor na base sa resulta ng ecg ay dapat syang pumunta sa ospital para makasiguro kung hindi sya nagka heart attack.  Ang asawa ko po ay 5'0 at ang banyaga ay mga 6'0 ang taas at malaking lalaki.  

Pagdating ko po ng bahay ay derecho na po kami sa ospital at na ecg po ulit sya.  sabi po ng doctor ay cardiac ischemia daw po ang nangyari sa kanya (walang supply ng oxygen ang dugo na papunta sa puso).  Buong weekend po ay naubos namin sa pagbili ng gamot at si misis po ay latang lata at nanghina.

Kinabukasan po ay nagpa blotter kami sa pulis at inilahad namin ang  pangyayari.  Nakuha din po namin ang plate number ng sasakyan pag ka review namin sa cctv.  Ang nakita lang po namin sa cctv ng mall ay ang paglabas ng banyaga sa kanyang kotse at mabilis na paghabol kay misis.  Di na po nasakop ng cctv camera ang pag harass nya sa asawa ko pero ito po ay nasaksihan ng teller ng parking at nang security guard.  Akala daw nga po ng security guard ay magkakilala ang misis ko at ung foreigner.  

Ang tanong ko po ay kung ano po ang maari naming gawin para maturuan ng leksyon ang banyagang ito.  Sobra po kaming naperwisyo dahil sa nangyari sa asawa ko dahil may karamdaman po sya sa puso.  Ayaw na po sana namin ng lengthly na proceso at ayaw na din namin gumastos sa legal proceedings.  May paraan po ba na maireklamo namin ang banyagang ito sa kanyang employer or sa barangay or sa Bureau of immigration and deportation?  Saan po kami pwedeng dumulog na di na kami po kelangang gumastos?

Malaking pasasalamat po ang handog ko sa inyong ipinyon at gabay.  

God bless po.

Gars

tatan1712

tatan1712
Arresto Mayor

It would be better to file a criminal case against the person before the city prosecutor. ( important to know the identity and address of the banyaga)

Pag file ng complaint affidavit mag Preliminary investigation,kung required, kung may probable cause file na sa court.

The court may either issue a warrant of arrest or a notice of hearing depending to the case.

Sa criminal case ang gastos niyo lang ay kung kanino kayo papagaw ng complaint affidavit. During the court proceedings, the public prosecutor/fiscal will handle the case because ang crime is committed against the state at ang asawa niyo ay isang complaining witness.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum