good evening po,binebenta po sa akin ng mother ko ang parte ng lupa nya,lima po silang magkakapatid na maghahati sa lupang minana nila sa kanilang magulang.hindi pa po nila naililipat sa pangalan nila ang lupa nila pero hinati-hati na po nila ito at tinayuan na ng bahay ng mga kapatid nya,ang mother ko lang po ang hindi nagpatayo ng bahay kaya ako nalang po ang nagpatayo ng bahay sa lupang parte niya,pinababayaran po niya ang parteng lupa niya sa akin dahil ayaw po niyang tumira kasama ang kanyang mga kapatid sa isang compound.ano po ba ang dapat kong gawin upang maging maayos ang pagbili ko dito? kung babayaran ko po ba ang parte ng mother ko my magiging problema po kaya sa kanyang mga kapatid kung ang mga ito ay di sang ayon? may karapatan po ba ang kanyang mga kapatid na makialam sa parte ng mother ko?salamat po at god bless!