Magandang Araw po sa inyo. Nais ko pong isanguni ang isang usapin tungkol sa isang head ng department sa aming munisipyo. Itong si Mrs kabit ay empleyado ng aming munisipyo at kabit ng dating kapitan ng aming barangay na ngayon ay aming kapit-bahay at karatig sa lupang aming sinasaka. Ang secenario po ay ganito mayroon kasing .3 na lupa malapit sa bahay nila at binibili nila sa amin dahil gusto nilang gawing swimming pool. dahil sa ayaw namin at mayroong kaming proyekto na gawin itong palaisdaan. Lumabas ang isyu na, kami po papaalisin sa lupang aming sinasaka at tinitirikan ng aming bahay dahil sa ito raw po ay nakatitulo sa isang Juan Dela Cruz. Sa loob po ng mahigit 30 taon na pagtira namin si Juan Dela Cruz po ay hindi nagpapakita sa amin. Sa katunayan ang lupang aming sinasaka ay retaso lamang ng lupain ng aking lolo. dahil sa ang kabuuan ng lupa ng aking lolo ay 10 hectares na siyang nakatitulo under my Lolo's name na siyang nakasanla nman sa landbank of the Philippines. So ang retaso kung saan kami nakatira ay walang papel pa dahil na rin sa kulang ang kaalaman ng aking magulang at nagtiwala na walang aagaw sa lupang aming sinasaka. Ngayong gbuwang ito, si Mrs Kabit ay naglabas ng anunsyo na kami ay ipinapatawag sa barangay ni Juan Dela cruz ngunit sa katunayan sya naman ang utak nito dahil si Juan de La cruz ay hindi umiiral. humingi kami ng advise sa PAO at ang sabi magpagawa kami ng affidavit sa BARC at kasulutan na noong 1974 ay doon na nakatira ang aking mga magulang at kailangan kunin ang pirma ng mga matatanda as witnesses upang patunayan na kami ang unang occupants ng lupang iyon. Sa ngayon nais ko pa pong humingi ng legal advise sa inyo kung ano ang dapat gawin dahil una hindi raw po kami nagbabayad ng buwis, ikalawa ang lupa ay nakapangalan kay Juan Dela Cruz. Gusto ko po sanang alamin sa inyo, para madistruct si Mrs Kabit sa ganyang ginagawa, ano po bang kaso ang pwedeng isampa sa kanya bilang empleyado ng munisipyo at ang sideline ay magpatitulo ng lupa dahil malaki ang commission nya doon. Nais ko po sanang malaman kung amyroong kaso na pwede isampa sa kanya. marami na pong mga ignorante ang nakuhanan ng lupa dahil tinatakot nya sa paraan na gumagamit sya ng mga letters from mga abogado na hindi namin alam kung certified abogado nga o gawa-gawa nya lang. kung halimbawa sya ay masampahan ng kaso, pwede po na naming kuning testigo ang mga taong nakuhanan ng lupa upang patunayan na siya ay hindi karapat dapat na umupo sa munisipyo or pwede po ba kami maghain ng suspension for work dahil sa ganitong isyu na kanyang kinakaharap.
Maraming salamat po
Maraming salamat po