Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pinaalis sa sariling bahay / Breach of Contract?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

jfaris09


Arresto Menor

Magandang araw po

Nagpasya pong bumili ang TITO ko ng lupa. Nagkasundo po ang TITO ko at TATAY ko na magpatayo ng bahay duon. 3-Floors po ang itinayong bahay at ang AGREEMENT ay.

a. Ang 1st at 2nd Floor ay pagmamay-ari ng TITO ko at asawa nya.
b. Ang 3rd Floor ay sa Tatay at Nanay ko.
Ito po ay sa bisa ng Notarized Agreement of both parties with 3 witnesses.

2 years po kaming tumira sa bahay hanggang sa nag abroad ang tatay ko at nagpasya ang nanay ko na sa probinsya muna kami tumira.

Pinatira po ng aking tatay ang nakababata nyang kapatid. 3 years po syang tumira sa 3rd floor ng bahay. Namatay po ang kapatid ng tatay ko dahil sa aksidente.

Dahil sa wala nang nakatira sa 3rd floor. Pinatirhan po ng TITO ang 3rd floor sa kamag-anak ng asawa nito. Noong una ayaw pong pumayag ng tatay ko pero pinakiusapan po ng kanilang kapatid na babae.

Ngayon po ay nakatira ang kamag-anak ng asawa ng TITO ko halos 5 years na. Umuwi na po ang Tatay ko galling abroad at pinaaalis na po nya ang nakatira duon. Pero nagalit po ang Tito ko dahil wala daw po kaming karapatan sa bahay. Sinasabi po nyang pinatira lang nya kami sa 3rd floor.

Tanong.
1. Breach of Contract po ba itong matatawag?
2. Ano po ba ang tamang process para mapaalis ang mga nakatira duon?
3. Meron po kaming patunay na tumira kami sa bahay, tulad ng Electric at water bill. Magagamit po ba naming itong patunay na tumira kami sa bahay?
4. Ano po ba ang mga legal na dapat naming gawin para makabalik kami sa 3rd floor ng bahay?
5. Meron po bang batas na nilabag ang TITO ko?

Sana po masagot nyo ang akong katanungan.


Maraming salamat po.

admiral thrawn

admiral thrawn
moderator

Kanino naka-pangalan ang titulo ng lupa?

jfaris09


Arresto Menor

Sa TITO ko po.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum