Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need Urgent Legal Advice — Already suffering from SAS

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

supersick


Arresto Menor

SAS stands for Spousal Abandonment Syndrome.

First off gusto ko po munang ibahagi ang ugat po ng problema ko. Nagtatrabaho po ako dati at kumikita lamang po ng sapat para po sa aking pamilya at nakatira po kaming mag asawa sa magulang ko at ang anak ko po ay madalas nasa poder po ng aking asawa (sa mga biyenan) dahil po rason na "walang mag aalaga."

Dati pong may trabaho si misis. At kinalaunan po nag resign sya dahil hindi nya na po gusto ang pagpalipat lipat sa kanya ng destino (sa retail sales po sya dati) kaya inudyok ko po syang pumasok muli sa kumpanya namin (dati din po xa nagtrabaho doon) at nakapasok naman po.

Bago po sya mag resign sa trabaho nya, iniwan po kami ng aking ina at lumipad po sa probinsya upang asikasuhin po ang bahay na pinapagawa namin doon. At matatagalan po ang kanyang pag balik, at marahil abutin din ng taon dahil gusto na din po nyang manirahan doon.

Naghanap po kami ng katuwang po sa pinansyal na gastusin sa bahay. At pumayag po ang isa sa kaibigan namin ni misis, na akin pong kababata.

2 lamang po ang kwarto sa aming bahay. Inoffer ko na po sa kanya yung isang kwarto, at inakala ko po na makakasama nya ang mag-ina nya din (may asawa at anak ngunit hindi kasal) pero bago pa po sya lumipat sa amin, mayroon na po silang problema (yung lalaki laging nasa labas at laging nag iinom kasama ang barkada, minsan kasama kami.)

Galing po ako sa trabaho ng unang lipat nya po sa bahay namin at nagulat na lang po ako na nasa kwarto na namin ni misis ang mga gamit nya. Dahil sa kaclose naman namin ang tao, sinubukan ko po sa unang linggo, ngunit may mga pasaring na po ako sa kanya tungkol sa "privacy" naminng mag asawa. Na tila wala naman syang pakialam.

Sa loob po ng 5 linggo na nanirahan sa amin ang kababatang to, puro inuman po gabi gabi (without exaggeration) at napahinga lang po ito isang araw kalagitnaan ng ng mga linggong iyon, pero minsan sumasabay naman po ako, kahit pagod na at galing sa trabaho.

Nawalan po ng respeto sa akin ang misis ko. Dahil sa pag alma ko po at pagsita nung pangalawang linggo na ng pag iinom. At pangatlong linggo po, tuluyan na pong nawala sa amin yung "init" naming mag asawa, naging malamig na po lahat. Hanggang isang araw na lang po na napagbuhatan ko na sya ng kamay dahil sa mga salitang binitawan nya po na "sex lang ang habol ko kung bakit ako nag asawa." At hindi daw asawa ang kaylangan ko.

Meron po kaming 1 anak na 4 years old na, at 4 na taon na po kaming kasal at 9 na taon na po kaming nagsasama. Sa loob po ng 6 na taon na pagtatrabaho ko po, sila lamang po ang inisip ko.

Hanggang sa umabot na po sa isa pa pong argumento, tungkol sa oras po naming mag-asawa, na hinahabol habol ko na. Inamin ko po sa asawa ko na may napapansin na akong kakaiba sa kanilang dalawa ng kababata ko. Hanggang sa isang araw po, yun, nagkaron na po kami ng argumento at nakapag eskandalo po ako dahil sa galit at init na po ng ulo, na gusto ko syang makausap at gusto ko pong humiwalay na ng kwarto ang lalaki (matagal ko na pong gustong sabihin, ngunit nawawalan po ako ng oras dahil pag galing sa trabaho gusto ko na din magpahinga dahil sa pagod). Nasabihan ko po ang asawa ko ng "kung ayaw mo na, mag empake ka na at umalis ka dito." hindi ko po sya sinaktan, at gusto ko po sanang iparating sa kanya na iba na po ang sitwasyon dahil pangalawang beses ko pa lang sya sinabihan ng ganoon at alam kong alam nya na hindi ako ganoon magalit. The next day po, umalis yung asawa ko kasama yung lalaki.

Hindi ko na po maintindihan yung nararamdaman ko, gusto ko syang kausapin pero puro galit lang po ang naririnig ko sa kanya. Hanggang umabot po sa may narinig po ako na balita na galit na po sa akin ang partido ng pamilya nya dahil kinaladkad ko daw po si misis palabas ng bahay ng madaling araw at pinalayas.

nagmarka po ito sa pamilya nila at sa akin na din po. nagkausap naman po kami ng maayos ng magulang nya after po noon na inexplain ko po ang side ko.

hanggang sa kumalat na ang balita na meron nga daw pong relasyon yung dalawa (si misis at kababata.) marami po ang nakaalam lalo na po mga kaibigan na nilapitan daw po ng dalawa upang humingi ng "payo." wala pong gustong makialam dahil po alam po ng lahat na kasal po kami ng misis ko.

Gusto ko po sana makuha ang anak ko po na hindi ko po madalas makita noon dahil po laging nasa puder po ni misis.

Umabot na po ang kahihiyang ito sa page po ng facebook ko dahil sa isang araw na nagkasalubong2 kami ng landas. Nagtalo po ang konsensya ko na patayin ang lalaki. Ngunit hindi ko din po nagawa dahil mas gusto ko pong makasama ang anak ko.

Sa ngayon po naapektuhan na po ang trabaho ko, ang kalusugan ko, at minsan pati na din po ang pag iisip ko dahil mag isa na lang po ako dito sa aming bahay. Pilit ko pong naghahanap ng solusyon, at mga legal na bagay tungkol po sa sitwasyon ko. Marami na pong damages sa buhay ko na nagawa ang isyu na ito.

Gusto ko lamang po sana makuha ang anak ko po at makasama at magpakalayo ng kami lamang pong dalawa sa probinsya. Nais ko pong sa probinsya manirahan upang kalimutan po lahat ng pangyayari ng kasama ang anak ko po.

Sa mga nangyari po, nawalan na po ako ng trabaho dahil po sa laging late dahil hindi na po ako nakakatulog tuwing gabi, laging absent dahil kinukulang na po ako ng pondo para sa pamasahe pangpasok. Nais ko pong magsimula ulit.

Sana po matulungan nyo po ako.

supersick


Arresto Menor

up please.

attyLLL


moderator

the legal remedy is to file a petition in court for custody of the child. you will have to prove that it will be better for the child to stay with you.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum