Good Afternoon!
Gusto ko po sana humingi ng legal advice sa inyo at sana po matulungan nyu
ako sa aking problema.
Ang asawa ko po ay nagpakasal dito sa Pilipinas noon then after nun nagmove siya sa
USA. After ng isang taon Sumunod ung kanyang 1st wife then nagpakasal sila ulit duon
then later ung 1st wife nya ay US CITIZEN na pero ung asawa ko po ay Filipino Citizen
parin sya. Isa lang syang permanent resident sa states. Sa katagalan po nag Divorce sila
ng asawa nya at napawalang bisa na ung kasal nila sa US nung 2006. Nagkakilala po kami
2008 at noong 2010 nagpakasal po kami dito sa Pilipinas. Kasi nga po after ng divorce nya
pwede na po sya magasawa ulit. Then later na find out po namin na valid pa po ung kasal
nila dito sa Pilipinas kahit divorce na sila ng asawa nya sa US tama po ba ako atty?
Ito po ang aking mga katanungan at sana po matulungan nyu kami.
1. yong kasal po ba namin ay pasok sa Bigamy marriage at valid po ba ito?
2. Pwede po ba kami kasuhan ng ex wife nya gayong divorce na sila sa USA at US citizen na ito?
3. May mga property po kami at join account ng asawa ko na nakapangalan sa
aming dalawa may right po ba ako doon at pwede ba maghabol doon ung ex wife nya at anak nila?
4. Malapit na po magretired ang asawa ko,sa States sya nagtatrabaho ever since
sabi po nya if mawala po sya ako ung beneficiary nya at mga anak nya pwede po ba un? At
meron po syang last will and testament valid po ba un na ako beneficiary nya at
anu po and mangyayari if maghabol ung ex wife nya may karapatan po ba ako pati na sa mga
property namin dito na nakapangalan sa aming dalawa?
5. If mag apply po ng citizenship ung asawa ko sa state para maging US citizen na po sya ano
ang magiging epekto po nito sa aming dalawa about sa case po namin?
6. If mag file po ako ng anullement gaano po ito katagal at magkano po kung sakali ang
lahat nang gastos namin? Anu-ano po ung mga requirements?
7. Ano po ang aking dapat gawin tungkol dito sa problema ko?
Thank you po sana magkaroon po kayo ng time na matugunan po tong aking mga katanungan
sana po matulungan nyu ako sa problema ko kasi dko na po alam ang aking gagawin.
Maraming salamat po ulit and More power.
Sincerely,
Anne