Hi richmond,
una muna hindi ako atty. hehe nagjoin lang ako sa site na ito. ako ay isang HR officer sa isang private company.
Sa preventive suspension muna tayo. ang preventive suspension ay ibinibigay yan sa isang empleyado kapag ang kaso o offense na ginawa mo ay very critical that cause threat to the life of your co-employee or the management, damage or loss sa company property, disruption of company operations and the likes.. so meaning mabibigat na kaso o kinaksangkutan ng isang empleyado ang nalalagay sa preventive suspension. Pwedeng ilagay under preventive suspension ang isang tao habang dinidinig yung kaso until lumabas ang desisyon. kung hindi pa tapos yung kaso mo after 30 days ng preventive suspension ayun nga pwedeng extend ng management basta babayaran nila yung extension ng 30 days preventive suspension mo including benefits. pwede mo ichallege dito yung HR nio bakit preventive suspension ang ibinigay sayo? ano yung legal basis nila to put you under preventive suspension? linawin mo ito mahalaga yun karapatan mo yun bilang isang empleyado.
Pangalawa, ano ang status mo sa company nio? ikaw ba ay contractual, probi o regular employee? so lumlabas para kayong contractor o hired agency right? kasi kamo nagtatrabaho kayo sa kumpanya kung saan may kontrata yung company nio? ang kumpanya na pinapasukan nio my right sila to report mga violations nio sa company nio mismo, then ang company nio ang magbibigay ng disciplinary action sa inyo. nakakontrata kumpanya nio at pwede ka nila ilipat sa kung saang department o ibang company tulad nga ng sinsabi mo na gusto ka ilipat para hindi na maapektuhan yung department na kung saan dati ka nakaasign. prerogative ng kumpanya nio yun base narin sa request ng company kung saan kayo nagtatrabaho.
Now, the lease you can do eh pwede mo iraise yung concern mo sa company nio na bakit preventive suspension ang ipinataw sayo? ano ba yung basis nila kamo na patawan ka nun kasi mabigat yun pagsinabing preventive suspension. tapos my notice of offense ka idepensa mo sa notice to explain mo kung ano nangyari. and take note dapat documented lahat ng nangyayari sayo o gingawa sayo hindi pwedeng verbal lang dapat my mga notices kang narereciv at hearing kapag wala ito illegal suspension yan malaki ang habol mo dyan kapag nagreklamo ka DOLE o NLRC. but wag mo muna gagawin yun. kausapin HR ng kumyana nio mismo.