dun na po kami tumira sa bahay ng boyfriend ko mula nung araw n pumirma kami ng kasulatan..pinilit nya po sa akin na dun kami tumira sa kanila kahit na po alam nyang galit sa akin ang kapatid nya at ayaw sa akin ng inay nya..hindi po naging maganda ang pagtrato sa akin ng kapatid nya at alam po yun ng boyfriend ko.ilang bese ko pong pinakiusapan ang boyfriend ko na dun muna kami tumira sa magulang ko dahil nga po sa sitwasyon namin pero ayaw po nya.dun na lang daw po kami sabi ng inay nya. nakiusap din po ako sa boyfriend ko na bumukod na lang kami ng tirahan tutak naman po,may trabaho ako.ayaw pa rin po nya.ayaw nya daw pong umalis sa kanila kaya nagtiis din po ako sa sitwasyon.di po naging madali sa akin ang lahat dahil di po nagbago ng pakikitungo sa akin ang kapatid nya.konting problema namin ng bf ko,pinagsasabihan kaagad ako ng inay nya ng di man lang tinatanong kung anong nangyari.at kapag umiiyak ako,nagagalit pa sa akin ang bf ko at sabi nya,may pag iyak iyak pa daw ako..kapag sinasabi ko naman po sa bf ko na dun muna ako sa amin,palagi nyang sinasabi na kapag pumunta ako sa amin,dalhin ko na lahat ng gamit ko at di na sya magpapakita sa akin.di na nya ako pupuntahan dun sa amin.sabi naman ng inay nya eh bakit pa daw ako pupuntahan eh kaya nga daw po ako umuwi eh ayaw ko na sa anak nya.kaya po hindi ako magtagal sa amin kapag nagpupunta ako dun kasi po natatakot po akong di na nga ako puntahan dun ng bf ko..sabi naman po sa akin ng bayaw ng bf ko,hindi ko naman daw po pwedeng kasuhan ang bf ko dahil hindi naman daw po kami kasal.tama po ba ang bayaw ng bf ko?paano naman po ako at ang kalagayan ko eh wala naman po akong ginawang masama sa bf ko at sa pamilya nya?