Attorney,
Ask ko lang po.
Kung kakasuhan po ba ako ng employer ko,
Wala po kaming contract, pero almost three years na ako dun,
Nakamaternity leave po ako ngayon, June23- Aug22.
July 22 po , nagfile ako ng resignation para saktong pagkatapos ng M.Leave ko, hindi na ako papasok ... dahil 30days notice po di ba?
Kaya lang po,
Hinold po ako ng Division Head namen dahil HINDI DAW PO PWEDE YUNG GAGAWIN KO.
Hindi daw po ako pwedeng magresign ng ganun.
Nasa rules daw po yun ng DOLE.
KAILANGAN DAW PO MAGREPORT MUNA SA DUTY AT MAGBALIK TRABAHO BAGO MAGRESIGN.
Totoo po ba yun?
Kasi po maa-AWOL daw po ako,
at since sa ospital ako nagtatrabaho, at dun po ako nanganak ng libre (benefits),
Parang sinasabi po nila na kailangan ko daw bayaran yung nilibre saken kung hindi na daw po ako papasok right after..
In short po,
Kailangan ko daw po pumasok pa...
Ang problema po, wala po kasing mag aalaga sa anak ko, kaya hindi na rin po ako pwedeng pumasok.
Ang tanong ko po,
Kung ma-AWOL po ako, may habol po ba sila saken sa sinasabi nilang babayaran ko na ginastos nila saken sa panganganak ko?
Pwede po ba nila akong idemanda kahit wala akong kontrata sa kanila?
Plano ko po sanang HUWAG NG PUMASOK... Dahil ayaw ko na rin po.
Salamat po.