Goodmorning po attorney! Kailangan ko po sana ng tulong niyo. Ako po ay currently employed pero kasalukuyang nakaleave of absence. Next week po ay magsisimula na ang aking maternity leave. ang pagkakaalam ko po ay kailangang iadvance ng employer ko and benefit bago ang aking leave, pero ang natanggap ko lang ay 5000 pesos. Base po sa aking pagkakakwenta ay ang maximum amount na 30,000 ang dapat kong makuha, pero may dalawang buwan po na hindi nila binayaran kahit na nabawas sa sweldo ko. At the least ay 23,000 ang dapat kong makuha. Nanggaling na po ako sa HR ngunit wala po silang maisagot saakin kundi iffollow up na lang. Malapit na po ang due date ko at kailangan ko po sana ang perang yon. Ano po kaya ang pwede kong gawin upang makuha ang buong halaga na dapat na binigay nila? Thank you po!