Ako po si Melody from Antopolo. Malake po ang problema ko, sana po ma bigyan nyo po ako ng advise. May ka live in po ako at matagal na kmi nagsasama tapos may nakilala akong guy at may nangyare sa amin. Hindi ko po yon talaga kagustuhan kya lang naipit na ako kaya napilitan nlang ako sumang ayon, sa madaling salita nangyare po yong dapat mangyare. Nag buntis po ako at nanganak ng lalake na ang pgkaka alam ko ay sa ka live in ko pero hindi pla kundi don sa ibang lalake. Matagal yon natuklasan ng ka live in ko pero ng matuklasan nya halos idemanda nya ako. Dahil niloko ko daw sya at pinilit na ipa ako sa kanya ang bata. Wala nman po ako intensyon na gawin yon dahil ang alam ko po ay kanya yon. Nag usap kmi pra maghiwalay dahil lage na po kmi nag asway at hindi na maayos ang pg sasama namin. Hindi po sya pumayag pero hindi na maganda pkikisa nya sa akin. Humiwalay ako ng tulugan subalit sa kanya tumatabi ang anak ko. Wala pong araw na hindi kmi nag aaway hanggang sa naririnig ko na sya nakikipg usap sa kuwarto nya na nag sasabi ng i love you sa kausap nya. Hindi ko na po nakayanan ang pg aaway nmin dahil kahit ano pa ang gawin ko sa bahay wala na syang nakikitang maganda sa skin pero may mga gabi na alam ko gusto nya rin ako tabihan subalit d ako pumapayag dahil sa sama ng loob. Umalis po ako ng bahay na walang pera, lumayo sa kanya pero ibinibigay nya skin ang anak ko tuwing friday at saturday samantala sya nman ay don na natutulog sa babae nya, binigyan nya ng business ang babae. Ngayon taon din pina uwe nya ako sa bahay dahil kelangan daw may ina na kinalalakihan ang anak ko at ngayon taon din nalaman ko na may anak na sla ng babae. Sabi nya wala na sla ng babae at d nya yon tinatabihan pumupunta na lang daw sya alang alang sa bata. Atty., pina uwe nya po ako pra sa anak ko pero bakit ino obliga nya po ako na tumabi sa kanya? Tapos nabasa ko po txt messages nla ng babae at may relasyon pa sla, bakit po ganun? Ayoko po mgpatabi sa kanya kung may relasyon sla ng babae. Ksi ako po, bumalik din nman ako sa kanya pra ayusin ang pamilya nmin dahil hindi nman po ako nkipg relasyon mula ng mgkahiwalay kami. Pero bat ganun? Lage prin po kmi nag aaway at pg nag aaway kmi pinapa layas nya ako palage, lahat po ng gawain sa bahay gngawa ko, pinagsisilbihan ko sya, lahat ng utos nya gnagawa ko. Tapos sinabi nya rin skin na pg pumunta yong babae nya at yong anak nya dapat umalis ako ng bahay. Ano po ba dapat kung gawin? Gusto ko na po umalis ng tuluyan dahil sa mga nangyayare pero dko po kaya iwanan ang anak ko. Sa akin po ba ang problema? May epekto po ba ang isip ko sa mga pag papalaglag ko? Ksi 3 beses nya po ako pinalag lagan ng bata ng hindi ko pa pinanganganak ang anak ko ngayon. Sana po mabigyan nyo po ako ng payo. Salamat po.
Melody