OFW po ako ganun din ang aking partner, kasal po siya sa una, noong una ay hindi ko alam na siya ay may asawa dahil dito na kami nagkakilala sa ibang bansa at taon na din ang lumipas ay saka ko nalaman ang totoo at may anak sila, ang sabi sa akin ng partner ko ay matagl na sila naghiwalay at kaya ayaw na niya umuwi ng pinas,3 taon na siya hindi umuuwi...nung nalaman ko yun ay nakipagusap ako sa babae at ang sabi ay wala daw siyang tutol basta ay huwag lang daw kakalimutan ang financial support sa 2 bata. at ganun naman ang aming ginagawa, pero nitong nakaraan na buwan ay nagmemessage siya sa akin na kailangan daw ay lakihan ng partner ko ang padala sa mga bata. ang pinapadala po ng partner ko buwan buwan ay 10k a month, at ngayun po ay ang hinihingi niya ay 35k po. tinatakot niya po kami na kapag hindi daw namin binigay yung hinihingi niya ay "malalagot"daw po ako sa kanya...yan po ang term na ginamit niya sa akin. sa totoo lang po ay hindi po namin kaya ng 35k na hinihingi niya kahit kami ay nasa ibang bansa dahil napakahirap talagang kitain ng pera at hindi naman ganun kalaki ang aming sahod. at sabi niya ay kukuha daw siya ng abogado at papadalhan daw ang partner ko ng sulat. ano po ba ang kailangan namin gawin?
salamat po.