Hi Atty,
First and foremost, I would like to thank you for creating this forum so that people like me can be enlightened and educated about the laws governing our country.
Ako po ay isang ordinaryong tao lamang, nagkamali nung 2006 at nagkaroon ng isang anak sa isang babaeng may 2 anak sa isang may asawa. Hindi ko po alam na may anak na po sya sa ibang relasyon at nalaman ko lang po after 1 year. Nagbunga po ang aming relasyon ng isang lalaking anak. After 1.5 years, nagkahiwalay po kami. 4 years old na po ang anak namin at hindi ko naman po itinatanggi na anak ko sya. Buwanan po ako nag susustento sa anak ko hanggang nung isang taon po ay nagpakasal na kami ng asawa ko po ngayon. Mula po nung nagpakasal ako sa asawa ko ngayon, lagi na lang po kami ginugulo ng nanay ng anak ko. Inireklamo nya po ako sa PAO sa Pasig nung September last year, agad naman po akong pumunta at napagkasunduan po sa isang Compromise Agreement na magbibigay ako ng buwanan sustento ng 6k at visiting rights during weekends. Bagamat hindi natutupad ang weekend rights ko sa bata, patuloy pa din po akong nagbibigay ng sustento. Pero nitong December, nakatanggap po ako ng Subpoena sa Pasig Fiscals Office na ako daw po ay inirereklamo sa kasong RA 9262 Section 5(i) causing emotional trauma due to denying of financial support. Nag hain po ako ng counter affidavit sa tulong ng isang lawyer na kaibigan, pero lumabas po agad ang resolution last February 2 kasabay din po ang Warrant of Arrest. Ako po ay nadetained sa Las Pinas Precint, dahil dito na po kami nakatira ng asawa ko. Siya po mismo ang nagdala ng Warrant of Arrest sa Las Pinas Police at nagturo sa bahay po naming mag asawa. Nagbail po ako ng 24k para sa aking pansamantalang kalayaan. Eto po ang aking mga katanungan:
1. Posible po ba na lumabas ang Warrant of Arrest kasabay ng Resolution?
2. May mga ebidensya po ako ng remmittance ko sa anak ko pero bakit hindi po ito tiningnan ng fiscal?
3. Wala pong basehan na anak ko ang bata dahil wala pa pong Birth Certificate ang anak ko, ano po ang pinagbasehan ng Fiscal?
4. Ano po ang maaaring mangyari sa akin? Masyado na pong abala, perwisyo at emotional burden sa aming mag asawa ang kaso na ito. Wala po ba talagang batas na naghihinto sa ganitong pang aabuso?
5. Bakit po ilang taon ang nakalipas, ngayon lang ginawa ng nanay ng anak ko ang mga ganitong bagay? Mahal ko po ang anak ko, wala po bang way para makuha ko na lang sya at ako na po ang bubuhay at mag aaruga. Ang dalawang anak po sa una ay parehong authistic, pwede ko po bang makuha ang anak ko at bigyan ng magandang buhay?
Maraming salamat po Atty. sa inyong maitutulong sa aking kaso.
Lubos na gumagalang,
ricman