waiter po ang asawa ko sa isang cruise ship. hindi na po sya umuwi sa bahay namin simula 2010 at sumama n sa kasamahan nya rin sa barko. nag file po ako ng case of R.A 9262. lumabas po ang resolution last year month of october. violation of Section 5(i) in relation to Section 6(f) of R.A 9262 ang lumabas. Sa agency po nila pay on board po ang mga waiter. $30.00 lang po ang naka declair na salary nila sa contract at ito lang po ang bumabagsak na pera sa mga Allottee. Dipende na po sa crew kung magkano ang ipapadala nila sa pamilya nila dito sa pilipinas. nitong nakaraang taon po inalis po nya ang pangalan ko bilang allottee at pinalagay ang pangalang anak namin. ang nangyari po sa amin ng mister ko ay batid ng kanilang kompanya. ngunit pinayagan po nila mapalitan ang name ko. kung may nilagay man po sya na accnt number na nakapangalan sa anak namin ay wala po akong nalalaman dito at wala po kaming natangtanggap na regular na susteneto buhat sa kanya. papayagan po sya ng korte na umalis at makasakay uli provided na makapag bayad sya ng travel bond at within the stated place and duration of contract n ipapasa nya sa korte.
gusto ko po sanang itanong Atty., kung maari rin po syang matanggalan ng license at ano po ang pwede ko i file na case sa marina if ever?
salamat po sa pagtugon.