Kasi 2009 kumuha ako ng sun broadband na 6 o 3 months with holding period (super tagal na d ko na maalala) tapos binayaran ko yung 3 months upfront at 3 months ko lang nagamit. Then nasira laptop ko so, di ko na nagamit ung broadband. Then naisip ko since 6 months nnmn akong paid di ko na kelangan intindihin yung line pero two months ata after tumawag sila na may outstanding bill daw ako na 2700+. Dinispute ko yun na sabi ko nga di ko naman ginagamit at nagbayad naman ako ng advance so bakit gnun. Tapos akala ko ok na kasi wala nnmn nangulit sakin eh. The just this year magrerenew sana ako ng isa kong line. Then sabi nila may utang daw ako sakanila na 2700+ dun nga sa isang acct. sabi ko nadispute ko na yun bakit andyan pa. Sabi nila dapat daw pinaterminate ko. Eh nug tumawag naman sila dati sinabi ko rin na iterminate na nila. Tapos sabi nila dpt daw sa sun shop mismo ako pumunta. Eh pagkakaalala ko dati nung nagkaron ako ng add on na landline na may 6 months witholding nung 6th month pinaterminate ko OVER THE PHONE.
Ngaun may 'Hildawa and Gomez Law office' na tumawag sakin tapos sinisingil ako ng 3551 (july 29) then kelangan ko daw mabayaran by the next day (july 30)
Tumawag ako sa sun ang nasa record nila 2731 yung utang. Nakipagtalo pa ko dun sakanila kasi nga ang alam ko disputed na yun at hello 3 years ago na yun tapos ngaun lang sasabihin na ganun tapos kelangan bayaran the next day?
Napakawalang kwenta kausap csr nila sobra. Hiningi ko number ng collections dept nila kuno walang sumasagot at di naman ma reach.
Patulong naman kung ano gagawin ko. Super nakakairita na ang sun. Akala mo naman ganda ng service bulok nga eh, nanghihinayang lang ako sa number ko. Since 2006 pa naman kami subscriber pero gusto ko na lumipat ng ibang company.
Tsaka nga pala pwede kaya kumuha ng contract o copy nun sa sun? Kasi gusto namin irevoew yung contract ngaun. Pero naghagilap ako sa net mukhang d naman sila nagbibigay eh.
Last edited by Haynako on Tue Jul 30, 2013 5:46 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : Additional question)