Habang nag iinuman sila kuya dumaan yung anak ng nag giba sa amin, hindi naman ginalaw ni kuya at hindi rin naman niya tinitigan o kinausap.. Tas noong gabi merong pinagulong si kuya na upuan papunta sa bahay ng nag giba samin. After an hour pina blotter ang kuya ko kasi NAMBATO DAW SI KUYA NG UPUAN AT TINATAKOT DAW YUNG MGA ANAK NILA HABANG DUMADAAN. May witness naman ang kuya ko para pasinungalingan yung pananakot kuno ni kuya sa anak niya, pero sa pambabato daw ng upuan baka mahirapan kami mag hanap since wala na sa apartment yung nakakita na nag pa gulong lang si kuya at wala namang tinamaan bata or bintana..
after 2 months biglang lumabas yung subpoena ni kuya sa prosecutor office kahit walang nangyari hearing sa barangay. Ang kaso ni kuya child abuse nag karoon daw ng POST STRESSED TRAUMA ang bata ayon sa medico legal.
Ang tanung ko atty:
1. Pwede po bang makulong ang kuya ko dahil sa kaso na yan.?
2. Malakas na po ba ang laban namin since may mga witness naman kami.?
3. Hindi po dumaan sa barangay yung kaso at wala silang certificate of file action. Pwede po ba naming gamitin yun para madismiss ang kaso at hindi na umabot sa court.
4. Kung sakaling madismiss ang kaso pwede po ba kaming magsampa ng moral damage?
We are desperate ayaw namin magkaroon ng dungis yung pangalan ni kuya since kaka graduate lang niya...
Salamat po..