Ask ko lang po about sa kaso na isinampa ng asawa ng kuya ko sa kanya which is ra 9262. May pinirmahan po kasi ang kuya ko sa PAO sa kalookan kasi dun ngfile ung babae kahit sa Pasay sila nakatira at kinasal ni kuya na magbibigay xa ng 8k per month. Pero nagdecide ang kuya na bawasan at gawing 6k per month nalang ang suporta n ibibigay nya. Hnd pumayag ang ex wife ni kuya at ngfile ng kaso na ra 9262 at ginamit nya na attachment ung pinnirmahan ni kuya sa PAO kalookan. Nagpadala na ng subpoena sa bahay at ngkita sila sa fiscal. Ang sabi ng fiscal sobra nmn ang hinihingi ng babae at maghanap din nmn daw xa ng trabaho at wag lang umasa sa kuya ko dahil bata pa nmndin daw ung babae at dahil may pinag aaral ang kuya ko na kapatid namin. pero inakyat ng babae ung kaso sa korte. Nagulat nlng kami kasi pinadalahan ng resolution ang kuya ko at binigyan ng warrant of arrest. ngpiyansa po kami pra makalabas ang kuya ko. Ngayon, ano po ba ang maari naming icounter dahil puro kabaligtaran ang sinabi nya sa resolution n pinadala samin. ang sabi nya hnd daw ngbibigay si kuya at all kahit n ngbibigay si kuya ng 6k per month noon at pinapipirma ni kuya ang babae kapag binbigyan nya ito. ang sabi p nya n iniwan sila ng kuya ko ng ilang araw samantalang ngbakasyon lng ang kuya sa boracay ng 1 week pra mgrelax dahil sa gulo n dinulot ng babae. pangatlo, ang sabi nya ang kuya ko daw ang umabandona sa kanila eh sila ang kusang umalis sa bahay dala ang mga gamit na ipinundar ni kuya at walang itinira (tv, psp, wasing machine, aircon etc.). meron syang pinirmahan sa barangay noon na sya ay kusang umalis pansamantala kasama ang anak nila ni kuya. pangapat, hindi daw ngbibigay ang kuya ko para sa pangagailangan ng bata samantalang ang kuya ko ang ngpaenrol sa bata, bumibili ng vitamins at mga baon ng anak nila at kung ano ano pa at meron din bank account n inopen ang kuya ko na ipinangalan nya sa bata para sa future nito at pampaaral. panglima, sinabi ng babae na galit daw ang anak ni kuya sa kanya samantalang palagi sa amin ang bata at wla pa itong alam dahil 5 years old palang ito. ano po ba ang maipapayo nyo sapagkat gumagawa talaga ang babae ng paraan para matanggal ang kuya ko sa trabaho at makulong ito. wala silang pakelam sa future ng bata. By the way, nagsimula po ang lahat dahil habang nsa SG ang kuya ko at ngttrabaho, may dinadalang mga lalaki ang asawa ni kuya sa bahay nila at inamin ng babae kay kuya ang ginawa nya pero binaligtad nya itto ng nasa fiscal na. Inamin din samin ng mnga lalaki na may ngyayari nga saknila habang wala ang kuya ko po.
sana po matulungan nyo po kami, kawawa nmn ang kuya ko, nakulong ng dahil sa ginawa ng babae...
salamat po