Noong nakaraang sabado lang ay nakita ako ng Presidente ng university kung saan ako nagtuturo. Noong nakita niya ako ay tinawag ako at tinanong kung sino daw ako at ano ang ginagawa ko sa school. Sinabi ko naman na nagtuturo ako doon pero galit na sinabi na lumabas daw po ako ng school at hindi daw po pwede ang mahaba ang buhok. Magpagupit daw muna ako. Lumabas naman po ako. Pero last Monday po ay nalaman ko na tinanggal na sa akin ang subject na hawak ko at di na ako pwedeng magturo sa school kailan man. Tinanong po ng isang kasamahan ko sa in-charge ng subject loading kung anong grounds po at kung bakit hindi na ako maari pang magturo sa school and sabi po ay dahil daw po sa buhok ko. Utos daw po ng University President.
Ang pagkaka alam ko po ay walang batas na nagbabawal na magturo ang isang tao (straight or gay) kung mahaba ang buhok niya. ( here's the link of how my hair looks like >> top-pmr.com/img/rain-hairstyle-korean-9447.jpg ) Ganyan lang po ang length ng hair ko ng makita ako ng Presidente na nagpalabas sa akin sa school at nag-utos na hindi na ako maaring magturo).
I just felt that my right to individuality was violated the same with my right as an employee to teach when the President asked me to get out of the school and terminated me.
I wil appreciate if you can give me your legal advise on what should I do as I am planning to file a case to Civil Service Commission or CHED next week.
Thank you very much.