Nagpapaupa ako ng bahay, yun pong naupa ay umalis pero yung gamit nila nasa loob pa ng bahay, sinisingil ko sila sa upa kasi hindi ako mkapag paupa sa iba dahil nandun pa gamit nila, napagkasunduan namin na bago ko ipakuha ang gamit nila sa bahay ay babayaran muna nila ako ng 1 buwang renta sa bahay sa halip na dalawang buwan sana, pero may masamang nagyari sa gmit nila nanakaw yung ilang gamit nila sa bahay, Ngayon nagrereklamo sila kasi mas malaki pa daw ang nawala sa knila kesa sa sisingilin ko.
Ako po ba ang may responsibilidad sa gamit nila na nawala sa bahay?
Dapat ko p b sila singilin sa renta sa kabila ng mga nawala sa gamit ng naupa?
Hindi ko po kasi pwde ibigay agad gamit nila pag wala pa bayad sa house rent sia kasi malamang hindi na nila ako bayaran kapag nakaalis na sila at nakuha na nia gamit nila.