Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Problema sa bahay namin

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Problema sa bahay namin Empty Problema sa bahay namin Tue Mar 22, 2011 8:03 pm

ann_beauty


Arresto Menor

Magandang araw po sa inyo, gusto ko lang pong isangguni sa inyo ang aking problema. And problema ko po ay tungkol dito sa aming tinitirhan, ilalahad ko po sa inyo ang tunay na istorya nito.
Ang bahay pong tinitirhan namin ay nasa pangalan ng aking bayaw na ngayon ay citizen na sa Canada. Year 1988 ng i petition siya ng kanyang asawa. Pero bago po umalis ang bayaw ko ay nanalo siya sa pa raffle ng gobyerno na low cost housing sa mga pulis at teacher, payable in 25 years. Pero kailangang umalis na siya papuntang Canada.

Kaya ang nag ayos at naglakad ng mga papeles ng pabahay na iyon ay ang biyenan kong lalaki na sa kasawiang palad naman ay inatake sa puso at namatay habang inaayus yun noong 1989, kaya napilitang umuwi dito ang bayaw ko at ang asawa nya, kaya nagkaroon din sila ng pagkakataon na ayusin ang pabahay na iyon at nai award na nga sa bayaw ko.

Hinulugan na nila yun monthly sa halagang Php 750.00 kada buwan nagsimula silang maghulog April 1989. Year 1990 nagkaroon kami ng problema sa tinitirhan naming bahay, kaya nakiusap ako sa bilas ko na asawa ng bayaw ko na kami na ang magpapatuloy sa bahay na yun pumayag naman at sinabi pa nya na kami na ang magpa ayos dun kasi rough lang ang bahay na yun at sobrang liit wala pang ilaw, koneksyun ng tubig at saka nakatabon ng lupa dahil lahat ng nagpapagawa duon ang mga lupang inaaalis sa mga bahay nila ay duon tinatambak dahil wala pang nakatira.... Kaya June 8, 1990 ay lumipat na kami doon at kami na ang nagpagawa at nagpa ayos ng bahay na yun at naghulog. After 4 years umuwi ang mga bayaw ko dito dinalaw nila kami, kinausap ng bayaw ko ang asawa ko at sinabing "maganda na pala ang bahay ng utol ko ah". at seryusong sinagot naman siya ng asawa ko ng ganito "utol babayaran ko na lang sa iyo ang right nito" ang sinagot naman ng bayaw ko ay "bakit mo pa babayaran magkapatid naman tayo" kaya iyon ang pinghawakan na salita ng asawa ko kaya umasa kaming amin na ang bahay na ito. Dahil stay for good na sila sa Canada at kami ang nagbayad at nagpagawa sa bahay.

Year 2004 na force retirement ang asawa ko sa trabaho, may nakuhang kaming pera galing sa kompanya kaya naisipan namin i fully paid na ang bahay at palakihan na para kahit maubos ang pera namin ay nakita namin sa pagpapagawa ng bahay. Year 2008 nagbakasyon ang bayaw ko at bilas kinausap ang asawa ko na ibebenta nila ang bahay na tinitirhan namin na kami ang naghulog, nagpagawa at nag fully paid. Ang pagkukulang namin ay hindi muna namin sinuguradong amin na tlaga at bahay bago namin pinagawa at binayaran ng buo nagtiwala kami sa salita ng bayaw ko at sa pag aakalang ayusin na lng pag umuwi na lang sila dito sa kasamaang palad ay nagka interes ng makitang maganda na ang bahay...gusto ko pong malaman kung ano ang dapat naming gawin dahil nagkasamaan na po kami ng loob at hindi na nag uusap. Ano po ang karapatan namin? nasa akin po ang lahat ng pinagbayaran namin at ginastos sa bahay. sana po ang masagot ninyo ang problema naming ito marami pong salamat.

2Problema sa bahay namin Empty Re: Problema sa bahay namin Tue Mar 22, 2011 11:49 pm

attyLLL


moderator

make an offer to buy out their rights.

if they make you leave, i would recommend that you claim all the payments that your made for the improvements.

i'm afraid an oral donation of real property is not enforceable, so your best option is to buy out their rights.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

3Problema sa bahay namin Empty Re: Problema sa bahay namin Wed Mar 23, 2011 8:24 am

ann_beauty


Arresto Menor

Maraming salamat po sa pagsagot..may tanong pa po ako may nagpunta po ditomg tao na nagsabi na siya ang nakabili ng bahay na ito pero wala po siyang pinakita na katibayan na nabili na nya ikinuwento po namin ang tunay na sitwasyon at sinabi naming willing kaming umalis dito pero kailangan bayaran ang nagastos namin wala po siyang sinagot. ano po ang kailangan naming gawin kung sakaling nagkaroon talaga ng deed of sale dahil nakuha na ng bayaw ko ang titulo matapos naming bayaran ng buo ang nagastos lang nila ay 14 thousand kasama na ang amilyar...maraming marami pong salamat sana po masagot ninyo ulit ito.

4Problema sa bahay namin Empty Re: Problema sa bahay namin Wed Mar 23, 2011 9:42 pm

attyLLL


moderator

first have them prove the sale. and still demand that you be reimbursed for the improvements.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

5Problema sa bahay namin Empty Re: Problema sa bahay namin Thu Mar 24, 2011 1:16 pm

ann_beauty


Arresto Menor

Maraming marami pong salamat...mabuhay po kayo.

6Problema sa bahay namin Empty Re: Problema sa bahay namin Tue Mar 29, 2011 5:08 pm

ann_beauty


Arresto Menor

gud pm po ulit attorney regarding po ulit sa problema nmin pwede po ba kaming mag file ng lis pendens pra kung sakali mang ibebenta pa lng nla ay mahold nmin pro ang problema po ay wla kming copy ng title paano po ba mag file ng lis pendens? thank u very much po.

7Problema sa bahay namin Empty Re: Problema sa bahay namin Tue Mar 29, 2011 7:58 pm

attyLLL


moderator

not a lis pendens, but an affidavit of adverse claim. you should inquire with a lawyer and the registry of deeds how to prepare one.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

8Problema sa bahay namin Empty Re: Problema sa bahay namin Tue Mar 29, 2011 9:50 pm

ann_beauty


Arresto Menor

Ah ganun po ba, gagawin po namin yan, maraming marami po talagang salamat malaking tulong na po ito para sa amin...wala po talaga kaming alam sa mga ganito at ngaun lang po namin naranasan ito sana po wag kayong magsasawang tumulong sa mga katulad namin....mabuhay po kayo.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum