Good morning po. december 2011 po nang mabili po namin yung property ng kamaganak namin. nakapagpirmahan na po kami sa deed of absolute sale at napanotaryuhan na po yung deed nung 2011 din po. kaso ho hindi po namin alam na kailangan pala mabayaran kaagad yung BIR taxes after notary. nagkasundo po kami ng seller na kami po (buyer) ang magbabayad ng capital gain tax at lahat ng fees kasi nabili lang po namin ng mura sa kamaganak. may nakapgsabi na may penalty na daw po kasi hindi agad nabayaran yung taxes. hindi na po namin kaya bayaran yung basic tax plus yung penalty fee sa BIR. paano po kaya ang magandang gawin dito attorney? tapos, namatay na din po yung (Husband) seller, buhay pa ho yung wife... yung TCT po ay nakapangalan sa couple.