Good Day po Atty,
Hingi lang po ako ng advice sa nabili ng tatay ko na 1 ektaryang niyugan noon pang Sept.1988 pero ito po sa ngayon ay wala nang mga tanim na niyog at ito po ay di pa nabayaran ang capital gain tax at ang halaga ng bilihan ay nasa Five Thousand Pesos at ito po ay nakapangalan pa sa binilhan ng lupa pero pinalagay po ng tatay ko sa deed of sale ay 2 kaming magkapatid ang buyer dahil ito ay binigay sa aming magkapatid ng tatay ko tanong ko po ay ito:
1. Malaki na po ba ang babayaran namin sa capital gain tax kasama ang penalty mula noong Sept. 1988?
2. Kung magpagawa po kami ng panibagong deed of sale ang pagbabasehan po ba ng bilihan ay ang zonal value sa kasalukuyan dahil po kung Five thousand pesos lang ilagay na orihinal na bilihan ay di maniniwala ang BIR?
3. Pwede po ba na ang pipirma na lang sa ipapagawa naming deed of sale ay yung owner na lalaki na lang kasi po namatay na yung asawa niyang babae kasi dalawa silang nakapangalan sa titulo?
Maraming Salamat po sana mabigyan nyo ako ng maaari naming gawin para mapa transfer namin ang titulo.