Eto po ang mga issue:
1) Hindi nagbabayad ng amilyar - pwede po kunin ng local government ang lupang hindi bayad ang amilyar at ibenta sa iba. Kung ganon po ang mangyari, paalisin po kayo dyan.
2) Hindi notaryado ang deed of sale - ibig sabihin, hindi rin po ito narehistro sa LRA at ibig sabihin, wala pa rin po sa pangalan ninyo ang lupa. Sa madaling salita, nagbayad kayo, pero yung dating mayari pa rin ang nakapangalang may-ari ng lupa.
Kausapin na lang ninyo ang pinagbilhan kung kaya pa at mag execute na lang kayo ng bagong Deed of Sale kung pwede. Sa pagkakataong ito, ipanotaryo na ninyo, bayaran lahat ng amilyar na hindi bayad, bayaran ang taxes sa BIR, at iparehistro sa LRA.
3) Xerox Copy lang ng titulo - kaya po sinabi kong balikan ninyo ang nagbenta. Kailangan ninyo ang original na titulo para mapalipat sa inyo sa records ng LRA.
Sa susunod po, bago bumili o makipagtransaksyon ng malaking halaga at hindi sigurado, mas mabuti pong magpatulong sa abogado. Yung gagastusin ninyo para sa advice ng abogado sa simula, malaki ang maitutulong para makaiwas sa gastusin sa huli lalu na kung maraming mali sa papeles tulad nito.
Sana po ay nakatulong ito.