Gusto ko lang po itanong kung hanggang saan ang rights ng anak ko. She is now 1 year old carrying his father's surname. Naka-signed naman po ang father nya sa birth certificate nya, "affidavit to use the surname of the father".
Kasal po ang father ng anak ko at may isa silang anak pero hindi na sila nagsasama. Hindi kami magkasama ng father ng baby ko dahil nasa ibang bansa ako. Pero under custody ang anak ko ng father nya sa ngayon.
May katanungan lang po ako.
--> Kasali po ba ang anak ko sa mga benipisyo na makukuha ng tatay nya sakaling wala na ito? (Hindi naman sa hinihingi).
Kasalukuyan kasing nagtatrabaho sa isang government agencies ang father nya.
May plan po kasi na ipa-annul nya ang kasal nya sa una nyang asawa pero mukhang nagmamatigas ang babae. In short, hindi kami pwede magsama dahil pwede kasuhan ang lalaki ng concubinage at ako din naman pero gusto ko rin naman sana na may makuha ang anak ko in the end. Kahit hindi na kami makasal basta para na lang sa anak ko.
Thanks and more power!