Magtatanong lang po sana ako aout po sa financial support ng father sa anak niyang illegitimate.
Ganito po ang kuwento:
Ang tiyahin ko po ay naging pangalawang asawa ng isang Pulis. May lima po silang anak. Ang naging problema po nila ay ang hindi pgsusustento ng Pulis sa kanila ng sapat. Sa isang linggo ay bibigyan lang sila ng 500 pesos at minsan lang po ang 1000 pesos. Tapos lagi silang sinasabihan na pabigat. Ang pulis po ay isang deputy chief of police sa rizal ho. Naaawa po kasi ako sa aking pinsan dahil ipinagkakait po sa kanila ang kanilang karapatan sa tamang suporta. Ang panganay po ay 17 at pinatigil sa pag-aaral. Ang pangalawa po ay 15 ay pinipilit ng amang pulis na pagtrabahuhin. Ang natitirang 3 ay nasa elementary pa po. Tulungan niuo po ako. Gusto ko pong tulungan ang aking mga pinsan.
Maraming salamat po!