hinuli po yung pamangkin ko ng mga pulis nung gabi ng may 23,2013.wala po silang dalang warrant of arrest. ang sabi po sa pamangkin ko iimbitahan lang daw po sa presinto para tanungin but then hindi na po nila ito pinalabas at dun pa lang po sila nag file ng kaso. inakusahan siya ng RAPE ng kabigan niyang buntis ng 3 buwan at siya raw po ang itinuturong ama na itinatanggi naman ng pamangkin ko. May nangyari daw po sa kanila 3 months ago na and wala naman daw pong pamimilit na nangyari dahil gusto rin naman ng babae. 18y/o po ang pamangkin ko and 20y/o po yung babae. nagkaroon din po ito ng bf bago pa po may nangyari sa kanila at yung babae pa mismo ang nagkukuwento sa pamangkin ko na may nagyari na sa kanila ng dating bf niya.
yung parents ng babae ang nagdidikta sa kanya na magdemanda siya laban sa pamangkin ko. until now hindi pa po nakakalabas yung pamangkin ko. tama po ba ang ginawang pag-aresto sa kanya gayung 3 buwan na ang nakakalipas and walang warrant of arrest na ipinakita sa kanya ang mga pulis. and tama rin po ba na pilitin siya ng mga pulis na panagutan ang dindala ng babae gayung hindi naman po sa kanya ang dindala nito?