Case: Boarding House Issue
Si Anton ay nangungupahan lamang ng tirahan sa ciudad ng Baguio City para malapit siya sa kanyang pinapasukang unibersidad. Ang halalag ng kanyang upa sa isang kwarto ay Php. 8,500.00 at ito ay binabayaran niya ng buwan-buwan na sa halagang ito ay narito narin ang kanyang kuryente, tubig, LPG at iba pa.
Ngunit sa kanyang unang buwan pa lamang niyang naniniharan sa bago niyang nilipatan ay araw araw na niyang iniinda ang kakulangan sa supply ng tubig at kung mamalasin higit kumulang isang araw na walang tubig. Kaya nagtitiis siya sa mga imbak na tubig na kadalasan ding nauubos. Na dapat na sinulosyonan ng kanyang Landlady para serbisyong garantisado na kanyang binangit bago pa tumira si Anton. Ang kanyang landlady ay nagkwento naman patungkol sa serbisyo sa tubig para kahit papaano maibsan ang pagkainis ni Anton na buo naman kung magbayad. Binanggit ng kanyang landlady na gumastos siya ng higit limang libo para sa bagong linya ng tubig pero hindi ito napakinabangan ng maayos at sabay bangit pa niya rito ang magagandang plano niya para sa masmagandang serbisyo sa tubig para hindi na nila problemahin ang patubig. Ngunit ng tumagal ni walang makitang pagbabago si Anton at sa tingin niya ay hanggang pangarap nalamang ito ng kanyang landlady. Napapagod na si Anton sa pag-iigib ng tubig kung kayat na pagpasyahan na nitong maghanap ng lilipatang masmaganda ng hindi siya naaabala ng husto.
Dumating ang isang araw na nakompirma na ni Anton na may pwede na siyang lipatan. Sa mismong araw na iyon ay hinintay niya ang kanyang landlady upang bangitin ang kanyang paglipat ng tirahan.
Hindi inaasahan ni Anton sa araw na iyon nung nagkaharap sila ng landlady niya kinukumpirma kaagad ng kanyang landlady kung lilipat ngaba siya. Ito naman ay pinatotohanan ni Anton. Na nalaman ni landlady sa mga ibang mga landlord/lady.
Kung kayat nagkaroon sila ng kasunduan:
Si Anton ay nakalipat kay landlady noong ika Octobre 13, 2012. Ang kanyang huling araw doon ay May 13, 2013. Ito naman ay nagkataong eleksyon kung kayat napag-kasunduan nilang dalawa na pwede siyang tumira hanggang May 29, 2013 (15days) ang halaga nito ay Php.4,250.00. Ito ay basis sa buwanang upa ni Anton na lihitimong napagkasunduan at hindi pinakiusap ni Anton sa kanyang landlady.
Php. 8,500 ÷ 30days = Php. 283.3 per day
Php. 283.33 per day * 15days = Php. 4,250.00
Ngunit pagkalipas ng ilang araw ang kanyang landlady ay nakiusap na kung pupwede lumipat na si Anton Bago o sa mismong araw na May 13, 2013. Ito ay pagkatapos niyang makausap ang kayang kakilala na bibigyan siya ng kapalit na titira sa tinitirhan ni Anton kaagad agad kung kayat pinapaalis na ng landlady si Anton. Pero hindi ito kakayanin ni Anton pagkat ito ay eleksyon at lingo ng pagtatapos ng klase nila. Kung kayat kinausap niya si landlady kung pwede hanggang 22, 2013 para tapos na ang eleksyon tapos narin ang pasukan nila. Ito naman ay pinayagan. Ito ay may bilang na siyam(9) na araw. Ang paguusap nila ay mabilis na tinapos ng kanyang landlady. Dahil alam ni Anton per day naman ang babayaran niya kung kayat alam na niya mismo ang kanyang babayaran.
Php. 283.33 per day * 9days = Php. 2,550.00
Kaya nung araw na siningil si Anton ng pambayad, binigay naman ni Anton ang halagang Php. 2,550.00 ngunit umalma ang kangyang landlady na Php. 4,250.00 parin ang kanyang babayaran. Ang unang paliwanag ng landlady ay dahil sakanilang “15 Day Rule”. Kahit siyam na araw ang karagdagang pagtira mo ay obligado daw si Anton na bayaran ang buong Php. 4,250.00 (15days).
Nagtataka si Anton kung ano yung “15 Day Rule” na sinabi ng kanyang landlady na hindi naman binangit noon o kalian man, noong araw lamang yun. Kaya napagpasyahan ni Anton na kausapin ang kanyang landlady patungkol dito.
Ang naging paliwanag ni Landlady ganoon daw ang kanilang patakaran na sinabi ng kakilala ni landlady para mas mapaniwala si Anton sinambit pa niya itong na tatawagin niya ang kakilala niyang ito para siya mismo magpatotoo ang naging tugon naman ni Anton ay sige para makausap ko siya. Ngunit biglang nagbago ang usapan, binago ito ni landlady kung kayat sa tingin niya ay niloloko na siya nito. Dagdag pa niya rito ay kahit 1-14 araw ang pagtira mo ay obligado kang bayaran ang 15 araw kahit hindi mo kinumsumo ang buong 15 araw. Naging tugon ni Anton ikunsumo ko na lamang niya ang buong 15 araw para pantay sa sinisingil ni landlady. Ang naging sagot ni landlady ay hindi pwede. Kung ikukunsumo daw ni Anton and 15 araw dapat nung May 13, 2013 dapat lumipat na lamang siya. Para makabawi siya sa pagkalugi. Papuri pa niya sa sarili niya naging mabait na siya doon sa presyong yun. Dagdag pa ng kanyang landlady, dahil kahit papaano may mga pinagsamahan tayo sa halip na singilin kita ng Php. 6,750.00 (Transient rate: Php. 750.00 per day) na masnararapat dapat sana.
Pinagsabihan pa niya si Anton na dapat sinabi na niya ng mas-maaga para alam niya. Dahilan pa ng landlady niya na, ito sana ang pang bawi niya para sa mga nalugi sakanya sa pagbayad sa kuryente, tubig at upa para kahit papaano makalibre ang langlady ng tirahan. Dehadong dehado daw siya ng labis na labis yun ang giit ng kanyang landlady. Si Anton naman ay alam niya sa sarili niya ay buong 8,500 pesos binabayad niya at sa tingin pa niya ay sobra sobra para sa hindi tamang serbisyo at yun na lamang pinagtataka ni Anton kung bakit sakanya ito sinisisi. Sa naging pag-uusap nila ni Anton at ang kanyang Landlady. Halos hindi maliwanag na mailabas ni Anton ang kanyang sa loobin sa issyu sapagkat sa tuwing magsasalita si Anton ay sinasapawan niya kaagad ito. At kayang patunayan ni Aton na walang ginagamit na tistigo.
Daing naman ni Anton kung bakit hindi sinabi na mayroon pala silang “15 Day Rule”. Kung binanggit niya ito ng kay Anton, wala sanang pagaalinlangang bayaran ni Anton ang Php. 4,250.00. Sinadya ba ng landlady na huwag muna ipaalam ang “15 Day Rule” para magbayad ng labis si Anton?
Mga ilang katanungan:
(a) May Batas bang nakakasakop sa kanilang sitwasyon?
(b) Makatarungan bang singilin niya si Anton ng katumbas ng 15 araw sa halip na siyam(9) na araw lamang, total ang landlady naman ay nagkulang na bangitin kay Anton ang patungkol sa “15 Day Rule”? Bakit
(c) Maari bang tumangi si Anton sa presyo ng kanyang Landlady?
(d) Ang kanya bang landlady ay nasa tamang katwiran na pagbayarin si Anton na katumbas ng 15 araw kahit karagdagang 9 na araw lamang naglagi si Anton?
(e) Anong pwdeng ikaso kay Anton kung hindi siya magbayad kung makatwiran ang singil ni landlady?
(f) Anong kaso ang pwedeng isampa kung si landlady ay hindi tama ang pagsingil niya?