hi po, tanong ko lang po kung papano gagawin,kase po namatay po sa vehicular accident ang nanay ko sa saudi, nag claim po kami ng benefits dito sa owwa, tapos po hiningan nila kami ng mga requirements like certificates and cenomar, kaya lang po, pag kuha namin sa cenomar ng nanay ko, naka lagay duon na kinasal na pala sya dati sa unang asawa tapos nag hiwalay ng ilang taon, bago pa sila ikasal ng tatay ko kaya na void po ang kasal nila ng tatay ko, so nawalan po kami ng rights sa pag claim sa benefits ng nanay ko, tapos ang advice sa amin ay humingi kami ng waiver galing sa unang asawa na pumapayag syang samin mapapunta ang claim, ok po sana yun ang problema lang po di namin kilala ang unang asawa. ano po kaya ang pinaka magandang gawin?
Free Legal Advice Philippines