sa harap po ng ibang mga emplayado hindi ko naisip na magagawa eto ng manager, ako po ay accounting head din,sa tingin ko po ay nabastos din ako kaya sinabi ko sa kanya na " mam hindi ko gusto anv ginawa mo puwede mo naman ako sitahin o kausap sa telepono at sabihin na mali ang ginawa ko pero sa halip nagsisigaw na sya sakn at nagsalita na sya ng pasigaw at nagmura, sobrang nagulat ako na namura ko din sya dahil hindi ko po din deserve na murahin at duru-duruin ako sa harap ng aming kaopisina.
binigyan po ako ng written explanation ng aming boss, at nagpaliwanag din po ako kung bakit at ano ang ngyari.
attyLLL gusto ko po malaman kung ano po ba ang corrective actions na puwede ko makuha at yun sales manager po ba ay may karampatan corrective actions din ba na makukuha?
pakiramdam ko din po ay pinupolitika din ako dahil favorite po ng mga bossings ang sales manager dahil po sa laki din ng nga benta nyang pinapasok sa kumpanya. Ang hr consultant po namin ay client din namin dahil kami po ay travel agencies kahit po employee ng hr consultant namin ang magiinterview sakin natatakot pa din po ako dahil ang boss po ng hr ay malapit din sa mga bossings ko.
sana po ay matulungan nyo ako gusto ko lang po ng patas na desisyon salamat po ng marami