Kami po ay apat na magkakapatid. Ang mga magulang po namin ay legally married. Mga bata pa po kami nung pumanaw ang aming ama at naiwang byuda ang aming ina.
Hindi nagtagal at nagka relasyon ang aming Ina sa kanyang brother-in-law na nuon ay byudo na rin. Nagka anak po sila ng dalawa at di nagtagal ay naghiwalay rin. Hindi po sila kasal.
Ang ina po namin ay may lupa na idinonate sa kanya ng kanyang kapatid nung siya ay byuda na. Limang taon ang lumipas at pumanaw ang aming ina.
Ngayon po na naulila na kami sa mga magulang Gusto na po namin hatiin ang lupang naiwanan ng aming ina. (na donasyon sa kanya ng kanyang kapatid) Paano po ba namin ito papartehin? Equally po ba sa anim o mas malaki po ang karapat naming apat na legitimate na anak kumpara sa half sister at half brother namin.
Ang gusto po kasi ng half brother namin is to divide the land equally sa aming anim na magkakapatid? Tama po ba ito? Hindi po kasi kami pumayag na equal din ang share nila kc nag po half brother at half sister Lang po namin sila.
Nag consult daw po sa abogado yung half brother ko at ang Sabi daw po ay kailangan ay equal ang partehan? Tama po ba ito?
Salamat po.