Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Maceda Law: Napapanahon na bang amyendahan o baguhin?

Go down  Message [Page 1 of 1]

homem


Arresto Mayor

kung ating susuriin mabuti ang Maceda Law, ang higit na nakikinabang dito ay mga owner,developer at hindi ang mga buyer. Kalahati lamang ng kabuuang halaga ang maaaring mapabalik sa buyer sakaling hindi matuloy ang kontrata ng bilihan at sa loob pa yun ng 2 taon. Karamihan sa mga taong nangangarap magkaroon ng sariling bahay sa paraang hulugan o installments scheme na mula sa "in-house or bank financing ay nabibilang sa hindi naman totoong mayayaman. Kadalasan pa nga ay kung makaipon lamang ng sapat na halaga para sa reservation at downpayment at kaakibat ang lakas na loob na "sige, kaya natin ang buwanang hulog dyan o monthly amortization" . Pero, sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nagaganap ang pagkawala ng trabaho o kabuhayan, pagkakasakit o trahedya at hindi na magawang ituloy ang pagbabayad sa property na hinuhulugan kada buwan. Papaano na ang perang naibayad sa developer at banko? Kalahati lamang ang maaaring maibalik at maaaring wala pa nga na makuha...masakit, hindi ba? Hwag nating ilubog lalo ang mga nalulunod na! Hindi pa napapakinabangan ang property ay nawalan pa ng perang pinaghirapan at ang mayayaman ng developer ang sya pang nakinabang. Ang pangarap na property ay hindi dapat maging gaya ng pagsusugal na pwedeng matalo o manalo. Dapat panalo at tabla lamang ang labanan. Dapat amyendahan ang batas na ito, ibalik ng buo ang perang naibayad ng buyer anuman ang dahilan subalit maibabalik lamang sa panahong mayroon ng ibang bumili ng property na pinaguusapan ng sa ganon ay maging parehas or fair din sa developer. m11

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum