Pero 1979 pa raw ay nakasangla na ito sa bangko at forclosed na raw po ito sa kasalukuyan kaya ibinebenta na po ng bangko.
Inabisohan naman po kami ng bangko a week ago na kung interesado daw po kami sa lupa ay maaari namin itong aplayan sa kanila(rural bank) para hulug-hulugan.
Pero me mga nagsasabi na hindi raw po allowed na magbenta ng lupa ang isang bangko at maaari din daw pong makasuhan ang sinumang bibili ng lupa sa bangko.
Medyo nalilito po kami dahil kung di naman kami kikilos ay marami din naman pong iterasadong bilhin ang lupang ito.
Ano po ba ang tamang proseso? Ano po ba ang sinasabi ng batas tungkol sa mga ganitong kaso? Hindi po ba talaga pinahihintulutan ng batas ma magbenta ng lupa ang isang bangko?
maraming salamat po..