Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Sinanlang Lupa Sa Bangko

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Sinanlang Lupa Sa Bangko Empty Sinanlang Lupa Sa Bangko Sat Nov 02, 2013 2:45 pm

enahj


Arresto Menor

Good day po mga Atty.,

Itatanong ko po sana kung ano po ang nga necessary actions namin para mabawi ang lupang nakapangalan sa nanay at tatay ko na isinanla ng akin pinsan (pamangkin ng nanay ko) sa bangko. Few years ago, nagkaroon kami ng financial difficulties. Isinanla ng nanay ko sa aking pinsan (Pinsan A) ang lupa namin. Nagkaroon sila ng kasulatan na walang expiration ang sanla na nagkakahalaga ng 100k. After 2 years po tumawag ang aking tiya (Hindi nanay ni Pinsan A) na nakatira sa lupang nabanggit at sinabing nireremata ng bangko ang lupa at bahay. Sinanla pala ni Pinsan A ko ang lupa sa bangko. Naisanla nila ito dahil pineke nila ang pirma ng nanay at tatay ko. Ang pumeke ng pirma ay ang aking tita na nakatira sa bahay. Hindi daw nya alam na iyon ang purpose ng pirma nya. Sa takot at hiya po ng anak ng tita ko (Pinsan B) sa nagawa ng nanay nya ay siya ang nagpareconstruct ng sangla at sya na din ang naghuhulog sa bangko para hiñďi maremata ang bahay at lupa. Papalagpasin na lamang po sana namin ang lahar kaso po ayaw pumayag ng kapatid ni pinsan b na after mabayaran ang pagkakasanla sa bangko ay kukuhanin namin ang dapat sa amin. Kung tutuusin ay sa amin lahat ng lupa pero dahil tinitingnan namin na nagpakahirap din naman si pinsan b sa pagbabayad kahit di sila nakinabang sa pinagsanlaan sa bangko ay payag na kami na sa kanila ang parte ng bahay kasama ang katapat na lupa at amin naman ang natitirang parte ng bakuran. Ayaw pumayag ng kapatid ni pinsan b. Ang tanong ko po ay kanino po ba nakapangalan ang titulo ng lupa after nila matubos ito? Sa nanay at tatay ko pa din po ba or sa pinsan ko na nagpatuloy ng bayad? If worst comes to worst ano po ba ang pwedeng hakbang para hindi mapasailalalim sa pangalan nila ang titulo? Ito po ang nagpapasama ng loob ng nanay ko palagi. Pinaghirapan nila ng tatay ko na maisalba ang lupa dahil dito lumaki ang nanay ko ngunit hindi naman nabayaran ng mga magulang nya para maipaman sa kanila. Maraming salamat po!

2Sinanlang Lupa Sa Bangko Empty Re: Sinanlang Lupa Sa Bangko Sat Nov 02, 2013 6:36 pm

attyLLL


moderator

You have to file.a case in court to annul the mortgage

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

3Sinanlang Lupa Sa Bangko Empty Re: Sinanlang Lupa Sa Bangko Sat Nov 02, 2013 9:42 pm

enahj


Arresto Menor

If we will file a case atty, will it be equivalent to a lawsuit also against my cousin and aunt?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum