Kasal ho kami ng misis ko at nakapisan kami sa magulang ko pansamantala habang wala pa kami kakayanan bumukod. Jan. 22, 2013, iniwan ako ng asawa ko at dala-dala nya ang aming anak na isang buwan pa lamang ng panahon na yun, nag-ugat ang pag alis na yun dahil lang sa di pagkakaunawaan. Pinagpipilitan nya na bumukod na kami, at sa kadahilanan na wala pang trabaho ang misis ko at ako lang ang nagtatrabaho, iminungkahi ko na bubukod tayo once na nakapagtrabaho na sya at ang tangi lang nya sagot ay "pano ko maghahanap ng trabaho? wala daw mag-aalaga sa anak namin." na kahit alam nya na nandyan ang magulang ko para bantayan at alagaan ang anak namin. Hanggang sa hindi na nagiging maganda ang pag-uusap namin, lumabas ako ng bahay at para magpahangin at magpalipas ng sama ng loob. Pag uwe ko ng bahay wala na ang mag-iina ko. Nabalitaan ko na lang na umalis sila kasama ng biyenan ko.
Ngayon ho, sinampahan ako ng kaso ng asawa ko na economic abuse at pinapalabas na hindi daw ako nagbigay ng sustento sa kanilang mag-iina samantalang simula sa umpisa hindi ako nagkulang sa obligasyon ko sa kanila. At meron akong pruweba na magpapatunay dito. Natigil lang ang sustento ko simula ng umalis sila.
At base din ho sa statement nya, kaya daw sya umalis dahil sa aming mga pagtatalo at dahil nahihiya na daw sya manghiram sa aking mga magulang para sa aming pangangailangan.
Ano ho ang maaari kong gawin sa kasong economic abuse sakin?
Maaari din ba ako magsampa ng marriage abandonment laban sa asawa ko? at kanino mapupunta ang pangangalaga ng aming anak?