ANG NANAY NG ISANG ILLEGITIMATE CHILD AY HINDI PWEDENG PILITIN ANG TATAY NA IPAGAMIT ANG APELYIDO NG TATAY SA NASABING ANAK. ANG REPUBLIC ACT NO. 9255 AY BATAS NA PINAPAYAGAN NA ANG ILLEGITIMATE CHILD NA GUMAMIT NG APELYIDO NG KANYANG TATAY PERO SA KUNDISYON NA ANG TATAY AY DAPAT PUMAYAG AT MAGBIGAY NG NAKASULAT NA PERMISO NA PINAGAGAMIT NIYA ANG APELYIDO NIYA SA KANYANG ANAK. ANG PAGPIRMA NG TATAY SA BIRTH CERTIFICATE NG KANYANG ILLEGITIMATE CHILD AY HINDI SAPAT AT HINDI NAGBIBIGAY NG KARAPATAN SA BATA NA GAMITIN NIYA ANG APELYIDO NG TATAY DAHIL KAILANGAN NIYA NA SUMUNOD SA REQUIREMENTS NG REPUBLIC ACT NO. 9255.
Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ang bagong batas daw ba na Republic Act No. 9255 ay pwede nang gamitin ng illegitimate child ang apelyido ng tatay. Ang akala ng marami ay ang nasabing batas ay automatic na nagbibigay ng karapatan sa nanay o sa illegitimate child na gamitin ang apelyido ng tatay. mali po ang kaisipang ito.
Ang Republic Act No. 9255 otherwise known as “An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father, Amending for the Purpose, Article 176 of Executive Order No. 209, Otherwise Known as the “Family Code of the Philippines” ay nagsasabi na pwede nang gamitin ng isang anak sa labas/illegitimate child ang apelyido o surname ng kanyang ama/tatay. Kahit hindi kasal ang babae sa isang lalaki, pinapayagan na ng batas ang bata na gamitin ang surname ng tatay pero dapat ay sundin ang requirements ng R.A 9255. Ang nanay o kanyang illegitimate child ay hindi pwedeng pilitin ang tatay na ipagamit ang apelyido sa bata kung walang permiso at nakasulat na consent ang tatay. Bago gamitin ng illegitimate child ang apelyido ng tatay, dalawang dokumento ang dapat pirmahan ng tatay ayon sa R.A. 9255:
(1) Public document or private handwritten document na pinirmahan ng tatay kung saan inaako ng tatay na ang nasabing anak sa labas/illegitimate child ay kanyang anak; at
(2) Affidavit of the Father Allowing to Use His Surname by the Illegitimate Child na pinirmahan ng tatay.
Kung kaya ang pagpirma ng tatay sa birth certificate ng kanyang anak sa labas/illegitimate child ay hindi nangangahulugan na pwede na niyang gamitin ang apelyido ng tatay. Ang pinipirmahan lamang ng tatay sa birth certificate ay ang Acknowledgement of Paternity o ang Pag-Ako Bilang Ama ng Bata at hindi ang permiso na ipagamit ang apelyido. Kailangan ay magsubmit ng hiwalay na permiso at nakasulat na consent ang tatay na pirmado niya na pinapayagan niya na ipagamit sa kanyang illegitimate child ang kanyang apelyido.