Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

totoo po na na pag 8 years na kayong hiwalay ng asawamo null na yung marriage?

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

butterflyphey


Arresto Menor

Hiwalay na kami ng asawa ko for two years, may nakapag sabi na after 8 years ng hiwalay at not living together null na daw ang kasal, btw, kasal kami sa church.


Pag ba na null ang marriage, yung surname ko ng dalaga eh pwede ko ng gamitin ulit? At yung apelyido ng mga anak ko pwede ng isunod sa apelyido ko? thanks po.

Mahal kasi magpalegal separation at annulment eh. Di pa naman nag sususpport ang ex husband ko.

Thanks.

march14

march14
Arresto Menor

8 years of not living together will not invalidate your marriage. Not living together or even a formal legal separation in any amount of time will not make the marriage void. separation de facto and legal separation are not remedies to annul a marriage. they are only considered separation in bed and board and in the eyes of the law you are still considered married.

however, if your husband went missing and you do not have any whereabouts of your husband, you can file an action for the presumption of death of your husband for the sake of remarriage. if i'm not mistaken it only takes 4 years to pass for such declaration.

if your marriage will be declared null and void you have the right to use your maiden name. but with regard to the surnames of your children, i think you cannot change the surnames of your children since it is the name recorded in the certificate of live birth. there are special proceedings for change of name and correction of entry but i don't think your purpose is included in those grounds allowed.

Vitto S. Lelen

Vitto S. Lelen
Arresto Menor

hello attorney..nakarelate lng po ako sa topic..

ako din po kase ay separated na since 2003 up to now sa legal husband ko(almost 8 years).wala po kming naging anak at nalulong po siya sa drugs hanggang sa dumating sa punto na nakulong na din siya..nakipaghiwalay na po ako sa kanya sapagkat ako na lng din po ang bumubuhay sa pamilya niya at ako lang din po ang nagtatarabaho that time.ako na po ang inasahan nila na bumuhay sa kanilang mag-anak.at kung sa tuwing nakaka-drugs siya sinasaktan na din niya ako kaya nag-disisyon na din ako na umalis na lng at makipaghiwalay.kinuha po ako ng magulang ko sa kanila..wala po kaming communications simula ng 2003 n yan sapagkat nagtatago na po siya at nabalitaan ko na nakapatay siya at my kaso din siyang arson dito sa lugar namin.nabalitaan ko din na may asawa na siya at nagkaanak sila.

tanong ko po paano po mapawalang bisa ang kasal namin ng hindi po ako gagastos ng mahal kase po hindi ko kayang magbayad ng abogado para dito..paano ang gagawin ko kung sakaling gusto ko ng magpakasal sa iba?

tnx in advance sir!

dadiaroz


Arresto Menor

good day attorney....

ako din po ay separated since 1997,since then di ko na po nakita or nakausap man lang ang ex-husband ko....hiniwalayan ko po sya kasi..battered wife po ako,addict pa at walang work ang ex ko....may leave in partner po ako now...4 yrs. na po kaming nagsasama at may 1 anak kame...pede na po ba akong magpakasal ulit w/o any annulment?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum