Lumagpas ang petsang pinagkasunduan pero di nabayaran yung halagang napagkasunduan. Yung isang suspect di nawalan ng communication at nagpasabi na di sya makakatupad sa usapan kasi nawalan ng trabaho pero yung isang suspect di na nagparamdam. Lumagpas mahigit ng 1buwan pero di nagtext o tumawag kung bakit di sya nakatupat sa kasunduan. March 25, 2013 pinuntahan ko sa trabaho nya yung suspect na di nagparamdam pero nalaman ko nagpalit na pala sya ng number. Tinext ko sya pero nung nagpakilala na ako di na sya sumagot at makontak ulit. Kaya sinadya ko nalang yung baranggay na nakakasakop sa lugar ng suspect. Rumusponde yung barangay para matunton yung tirahan nya. Nakausap ng baranggay yung nanay nya pero sinabi ng nanay nya wala sa bahay yung anak nya at nasa trabaho pero sinabi ko na bago ako mapunta sa lugar nila ay sa trabaho ng anak nya ko galing nakuha ko yung number at nung nagpakilala ako eh hindi na ko sinagot at pinatayan ng cellphone. Sa pangyayari nagpablotter at nagpafile na ko para maipatawag nalang sa tinatawag nilang lupon ng baranggay at nabigyan ako ng schedule ng paghaharap ng April 3, 2013. Pero gabi palang ng March 26 2013 tinawagan ako ng kapatid ng suspect inalipusta hinamon makipagkita tinawag na di propesyonal after that call nakatanggap din ako ng text sa suspect na harapin ko ang pamilya nya at makipagkita ako sa baranggay. Nagkaharap harap kami ulit sa baranggay tinawag na mas mukhang magnanakaw inalipusta ng kuya nya at inakmaan pa na hampasin ng lisensya nya.
Makalipas ang April 3 di po kami nagkasundo sa unang hearing sa barangay kasi katwiran ng suspect eh napilitan lang daw siya makipagareglo at pumirma sa blotter samantalang di po ba public document yung ang isang blotter?
Ano po ba laban ko sa kaso?
Gano katibay po yung kasunduang pinanghahakan ko ngayon ayaw na magbayad yung suspect.
Isang concern ko since matagal na po yung pangyayari I’ll be honest na mahirap na on my part yung issue kasi nakalipat na ko ng tirahan