medyo magulo ang sitwasyon mo, unang una, pareho kayo nasa abroad ng asawa mo at pangalawa, kasal pala sya sa una nyang asawa at sa tingin ko alam mo na kasal na sya bago mo pa sya pinakasalan. tama ba?
Sa tingin ko, dapat unahin mo munang ipawalang bisa ang kasal nyo dahil pag nagkataon, pati ikaw ay makukulong sa kasong bigamy. maiging kumunsulta ka sa isang legal na abugado tungkol dito upang mapayuhan ka nya ng dapat mong gawin. Hindi mo sya makakasuhan kung ikaw din mismo ay may pagkakasala sa batas.
pangalawa, may karapatan pa rin ang asawa mo sa anak nyo dahil sya ang legal na ina ng mga ito. mas mabuti kung uuwi ka muna dito sa pilipinas para makuha mo ang mga anak mo sa nanay niya. Sa aking pagkakaalam, mas may karapatan ang isang magulang na nasa pilipinas sa mga anak nila kaysa sa magulang na nasa ibang bansa. ( sa pagkakaalam ko lang po yun). ibig sabihin, kung ikaw ang nandito, pwede mo sila makuha dahil wala naman ang asawa mo. Mas may karapatan ka kaysa sa nanay nya. Kung ayaw ibigay sa iyo ng nanay nya o kamag anak, pwede ka dumulog sa DSWD, pede mo silang kasuhan.
at higit sa lahat, wag po natin kalimutan manalangin at humingi ng tulong sa DIYOS.
sana ay maayos mo ang iyong sitwasyon para na rin sa mga anak mo.