Magandang araw po. me kapatid po akong lalaki na isang US citizen. Me legal po syang asawa sa amerika. umuwi po ito ng Pilipinas at ibinahay ang isang babae at nagkaanak, ibinabahay po nya ito sa bahay mismo na binayaran ng asawa nya. kinukuha din ng lalaking ito ang pagpapalaki sa anak nya sa pilipinas sa asawa din. hindi po ito alam ng asawa sa abroad. dahil sa awa namin sa legal na asawa dahil sinusuporthan pa din sya hangga ngayon ng walang kaalam alam sa ginagawa ng asawa nya sa pilipinas at sa sobrang sakripisyo nito. at napakabait po sa aming magkakapatid na bayaw at hipag nya. naawa na po kami sa kanya at sinasabihan namin na mali ang ginagawa nya. sa halip na makinig, ay lalo nya pang pinag igihan ang pagsisinungaling. sa palagay naming magkakapatid ay alam na ng asawa nya sa ngayon na me iba syang kinakasama pero natatakot lang na malaman ang buong issue. lalo po kaming naawa sa kanya dahil di sya nagbago at lalo pang bumait, at mas lalo pa din syang naging supportive sa needs ng mga bayaw at hipag nya.
Ang tanong ko po: kung ayaw magsampa ng concubinage case ang legal na asawa, kami po ba or kahit isa sa magkakapatid, ano po ang pwede naming isampang kaso sa kanya para matigil na ang kalokohan nya. marahil magtataka kayo kung bakit eager kami na kasuhan sya. kasi po ang babae na kinakasama nya ay dominating sa amin, sa katotohanan po ay inaangkin pati ang property ng magkakapatid na kinukuha ang kita na dapat ay para sa magkakapatid.
salamat po. sana me makatulong sa amin